Pangulong Duterte, may pagkakataon pang maging mabuting lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total reads

May pagkakataon pa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging mabuting lider at pinuno ng bansa sa natitirang isang taon ng kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa natitirang isang taon sa katungkulan ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng NASSA/Caritas Philippines, bagamat hindi na ganap na magkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang buhay ng mga Filipino.

Gayunman, sinabi ng Obispo na may isang taon pa ang Pangulong Duterte na bawiin o ipatigil ang ilang ipinatupad na polisiya at magpamalas ng kabutihan, kagandahang-asal at integridad.

Iginiit ng Obispo na napapanahon na rin upang magkaroon ng pananagutan ang administrasyon sa mga pagkakamali at pagkukulang nito sa mamamayang Filipino.

“It won’t make any difference now to the lives of the Filipino people even if he gives marching orders to pass his priority legislations, or even to retract his socio-economic policies. It will matter however if, at least for what remains of his term, he will show decency and integrity.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Partikular namang tinukoy ni Caritas Philippines executive secretary Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. ang ginawang pagpapatigil ng pamahalaan sa 9-year moratorium ng pagmimina sa bansa bilang isa sa sumasalamin ng kapabayaan ng administrasyong Duterte sa kapakanan ng taumbayan mula sa pagkasira ng kalikasan.

Matatandaang Abril ng kasalukuyang taong 2021 ng nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130 kung saan winakasan ang moratorium sa mga bagong mining agreements na pinangangambahan naman higit na magdulot ng malawakang pinsala sa natural na angking yaman ng kalikasan.

“The lifting of the 9-year mining moratorium also reflects how negligent the present administration is of the international appeal to run after and stop ecological injustices,” Pagbabahagi ni Fr. Antonio Labiao Jr.

Umaasa naman ang Pari na sa halip na sa pamumulitika ay gamitin na lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang natitirang isang taon sa katungkulan upang mapag-isa ang buong bansa lalo na sa pagharap sa patuloy na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“He needs to focus his energy in uniting the country as we still grapple from the devastating effects of the pandemic.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Kaugnay nito, maituturing ang ika-6 at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hudyat ng huling isang taon sa termino ng administrasyon at simula ng paghahanda sa nakatakdang National and Local Elections sa susunod na taon

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,630 total reads

 16,630 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,477 total reads

 17,477 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,149 total reads

 34,149 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,526 total reads

 71,526 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,795 total reads

 102,795 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,867 total reads

 177,867 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,410 total reads

 270,410 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,427 total reads

 26,427 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top