Cardinal Advincula, nagbigay pugay at pasasalamat kay Hidilyn Diaz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Kinilala ng Arsobispo ng Maynila ang tagumpay ni Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting sa Tokyo Olympics 2020. Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula, malaking inspirasyon sa bawat Filipino ang panalo ni Diaz bilang kauna-unahang Filipino Gold Medalist sa Olympics sa halos 100-taong paglahok ng Pilipinas sa kompetisyon.

“Salamat, Hidilyn [Diaz], sa napakalaking karangalan na ibinigay mo sa ating bansa. Ang tagumpay mo ay nagbibigay ng liwanag, inspirasyon, at pag-asa sa aming lahat, lalo na sa mahirap na panahong ito,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Makasaysayan para sa bawat Filipino ang panalo ni Diaz lalo’t sa kabila ng iba’t ibang kinakaharap lalo na ng pandemya ay napagtagumpayan nito ang laban para makamit ang unang ginto sa palaro.

Matatandaang 2018 naging panauhin si Diaz sa ikalimang Philippine Conference on New Evangelization 5 (PCNE 5) sa ‘Listening Heart with Cardinal Luis Antonio Tagle’ kung saan inihatag nito na bahagi ng pagiging atleta ang madapa, matalo at masakta subalit binigyang diin ng atleta ang pananalig sa Diyos at sa kakayahang ipinagkaloob. Dahil dito pinasalamatan ni Cardinal Advincula si Diaz sa pagtitiwala sa Panginoon sa bawat laban at paglahok sa anumang kompetisyon.

“Salamat din sa iyong pagpapatotoo sa iyong matibay na pananampalataya sa Diyos at malalim na pag-ibig sa Mahal na Birheng Maria. Salamat sa pagpapaalala sa amin na walang tunay na tagumpay kung hindi ito nagmumula sa Diyos,” ani ng Cardinal.

May kabuuang 224-kilogram ang binuhat ni Diaz para makamit ang gintong medalya mas mataas ng isang puntos kumpara sa 223-kilogram kay Chinese olympian Liao Qiuyun. Nagbunyi ang sambayanang Filipino sa pagkapanalo ni Diaz at hiling ng maraming netizens sa pamahalaan na paigtingin ang suporta sa mga atletang Filipino.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,005 total reads

 4,005 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,192 total reads

 11,192 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,537 total reads

 48,537 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,807 total reads

 274,807 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,274 total reads

 168,274 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,752 total reads

 261,752 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top