Pangulong Duterte, hindi natupad ang pangako sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,075 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na pahalagahan at unahin ang kapakanan ng bayan sa halip na ang katapatan sa iisang angkan.

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa mga Filipino kasabay ng pag-uulat sa bayan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26.

Inihayag ng opisyal na malaki ang tungkulin ng mamamayan sa paghalal ng mga lider ng bansa kaya’t mahalagang matutuhang suriin ng mga Filipino ang kakayahan ng bawat kandidato sa halalan.

“Dapat ang mamamayang Filipino ay mapanuri, dapat ang pahalagahan ay ang bayan hindi kanya-kanyang loyalties sa mga political clans o sa mga lugar na pinanggalingan ng mga pulitiko, dapat tingnan natin ang ikabubuti ng pangkalahatan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na dapat pag-aralan at suriin din ng taumbayan ang huling pag-uulat sa bayan ng Pangulong Duterte kung ito ba ay wasto at may katotohanan lalo na ang mga programa ng pamahalaan.

Dismayado ang obispo na kalimitan sa pangako ng punong ehekutibo mula ng tumakbo ito noong 2016 Presidential elections ay hindi naisakatuparan tulad ng pagwawakas sa usapin ng iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan sa unang taon ng paninilbihan.

Makalipas ang limang taong paglilingkod bilang pangulo nanatiling laganap ang ipinagbabawal na gamot sa bansa sa kabila ng malawakang war on drug campaign na nagresulta ng pagkapaslang sa mahigit 30-libong indibidwal na pawang biktima ng extra judicial killings.

Muling hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na aktibong makibahagi sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa Mayo sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa Commission on Elections.

Batay sa huling tala ng Comelec umabot na sa mahigit 60-milyon ang bilang ng mga nagparehistro na makaboboto sa halalan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,087 total reads

 14,087 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,160 total reads

 15,160 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,610 total reads

 30,610 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,987 total reads

 67,987 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,257 total reads

 99,257 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,553 total reads

 174,553 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,298 total reads

 267,298 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,088 total reads

 14,088 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top