Cardinal Advincula, nagbigay pugay at pasasalamat kay Hidilyn Diaz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total views

Kinilala ng Arsobispo ng Maynila ang tagumpay ni Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting sa Tokyo Olympics 2020. Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula, malaking inspirasyon sa bawat Filipino ang panalo ni Diaz bilang kauna-unahang Filipino Gold Medalist sa Olympics sa halos 100-taong paglahok ng Pilipinas sa kompetisyon.

“Salamat, Hidilyn [Diaz], sa napakalaking karangalan na ibinigay mo sa ating bansa. Ang tagumpay mo ay nagbibigay ng liwanag, inspirasyon, at pag-asa sa aming lahat, lalo na sa mahirap na panahong ito,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Makasaysayan para sa bawat Filipino ang panalo ni Diaz lalo’t sa kabila ng iba’t ibang kinakaharap lalo na ng pandemya ay napagtagumpayan nito ang laban para makamit ang unang ginto sa palaro.

Matatandaang 2018 naging panauhin si Diaz sa ikalimang Philippine Conference on New Evangelization 5 (PCNE 5) sa ‘Listening Heart with Cardinal Luis Antonio Tagle’ kung saan inihatag nito na bahagi ng pagiging atleta ang madapa, matalo at masakta subalit binigyang diin ng atleta ang pananalig sa Diyos at sa kakayahang ipinagkaloob. Dahil dito pinasalamatan ni Cardinal Advincula si Diaz sa pagtitiwala sa Panginoon sa bawat laban at paglahok sa anumang kompetisyon.

“Salamat din sa iyong pagpapatotoo sa iyong matibay na pananampalataya sa Diyos at malalim na pag-ibig sa Mahal na Birheng Maria. Salamat sa pagpapaalala sa amin na walang tunay na tagumpay kung hindi ito nagmumula sa Diyos,” ani ng Cardinal.

May kabuuang 224-kilogram ang binuhat ni Diaz para makamit ang gintong medalya mas mataas ng isang puntos kumpara sa 223-kilogram kay Chinese olympian Liao Qiuyun. Nagbunyi ang sambayanang Filipino sa pagkapanalo ni Diaz at hiling ng maraming netizens sa pamahalaan na paigtingin ang suporta sa mga atletang Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 89,318 total views

 89,318 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 119,541 total views

 119,541 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 146,190 total views

 146,190 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 241,163 total views

 241,163 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 256,298 total views

 256,298 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top