Archdiocese of Zamboanga, nagbubunyi sa karangalang natamo ni Hidilyn Diaz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 757 total reads

Nagbunyi ang Arkidiyosesis ng Zamboanga sa karangalang hatid ni Hidilyn Diaz sa Pilipinas bilang kauna-unahang atletang nag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Zamboanga Auxiliary Bishop Moises Cuevas labis ang kagalakan ng buong arkidiyosesis sa tagumpay na natamo ni Diaz sa larangan ng palakasan na magdudulot ng inspirasyon sa mamamayang Filipino partikular na sa mga Zamboangueno.

“On behalf of Archbishop Romulo T. Dela Cruz, the Clergy and the Lay Faithful of the Archdiocese of Zamboanga, I wish to congratulate Hidilyn Diaz for winning the Philippines’ first ever Olympic gold medal. We are all rejoicing in your victory for bringing joy and honor to our country especially to Zamboanga City,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.

Si Diaz ay nagmula sa Barangay Mampang sa Zamboanga na nagsimulang kahiligan ang weightlifting sa edad na siyam na taong gulang.

Sa isinagawang Tokyo Olympics 2020 sa Japan nagtagumpay si Diaz na makuha ang gold medal sa women’s 55-kilogram weightlifting noong July 26.
Umabot sa kabuuang 224-kilogram ang binuhat ni Diaz para makamit ang gintong medalya mas mataas kumpara sa 223-kilogram ni Chinese Olympian at silver medalist Liao Qiuyun.

Pinuri ni Bishop Cuevas ang matatag na pananampalataya ng atleta kung saan labis itong nagpasalamat sa Diyos ng makamit ang unang gintong medalya para sa Pilipinas sa halos 100-taong paglahok sa nasabing kompetisyon.

“Indeed, you are a point of reference of hard work, altruism, devotion to the Blessed Virgin Mary, whom you dearly venerate as Nuestra Senora La Virgen del Pilar, and faith in God, whom you proclaim is your strength. I ask the Lord to bless you and La Virgen del Pilar to keep you,” ani Bishop Cuevas.

Nagpaabot din ng pagbati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkapanalo ni Diaz habang pinasasalamatan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang atleta sa karangalang hatid sa bawat Filipino sa gitna ng iba’t ibang hamong kinakaharap lalo na ng pandemya.

Matatandaang 2018 naging panauhin si Diaz sa ‘A listening with Cardinal Luis Antonio Tagle’ sa Philippine Conference on New Evangelizations kung saan ibinahagi nito ang hirao na pinagdaanan at kung paano natuklasan ang dakilang pag-ibig ng Diyos at maging masidhi ang pananampalataya.

Naglaan naman ng 2.5 milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City bilang gantimpala kay Diaz maliban pa sa 10-milyong pisong mula sa pamahalaan at mahigit 20-milyong piso naman mula sa pribadong sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 14,379 total reads

 14,379 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 51,558 total reads

 51,558 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,828 total reads

 277,828 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 171,295 total reads

 171,295 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 264,607 total reads

 264,607 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top