Isantabi ang sarili sa 2022 national elections, panawagan ni Bishop Pabillo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Hindi lamang ang materyal na pangangailangan ang pinupunuan ng Diyos kundi maging ang mas malalalim at mahahalagang ninanais ng puso ng bawat isa.

Ito ang binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo sa biyayang hatid ng Panginoon para sa lahat.

Ayon sa Obispo na siya ring outgoing chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ito ang dapat na maging batayan ng bawat isa sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan sa 2022 national elections.

“Hindi lang binubusog ng Diyos ang ating tiyan. God also satisfies the deeper longings of our heart. Jesus has come in order to satisfy our deeper human longings.”pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang misa sa Veritas Chapel.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na hindi dapat ibatay ng mga botante sa pansariling kabusugan o kabutihan ang pagpili ng mga kandidato sa halip ay para sa pangkabuuang kapakanan ng bayan.

Partikular na tinukoy ng Obsipo ang problema ng vote buying tuwing halalan kung saan nangingibabaw ang kasakiman.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat isaalang-alang ng mga botante sa paghalal ng mga opisyal ng pamahalaan ang kabutihan ng bansa at mamamayan.

“Hindi naman talaga si Jesus, ang Diyos ang hinahanap kundi ang sarili nilang (mga tao sa lumang panahon) kabusugan. Hindi ba madalas din ito mangyari sa atin? Hinahanap natin kung ano ang makukuha natin? Hinahanap natin ang mga kandidato na makabibigay ng gusto natin at hindi naman ng ikabubuti ng bayan? Kaya kapag nakatanggap ng anumang halaga, binoto na sila. Wala namang love of country but love of self.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pinayuhan ng Obispo ang mamamayan na huwag unahin ang pangangailangang materyal sa paghalal ng mga kandidato.

Kaugnay nito, itinuturing ng Simbahang Katolika na pagnanakaw sa dangal at kalayaan ng bayan ang pagbibenta ng boto sa mga makasariling kandidato na tanging posisyon at kapangyarihan lamang ang ninanais.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,576 total reads

 88,576 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 166,082 total reads

 166,082 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 199,530 total reads

 199,530 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,828 total reads

 234,828 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,886 total reads

 457,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top