Kooperatiba, makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,263 total reads

Naniniwala ang Cooperative Development Authority na malaki ang maitutulong ng mga kooperatiba sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay CDA Chairman Usec. Joseph Encabo, higit na kinakailangan lamang ang wastong edukasyon at pagbahagi ng kaalaman hinggil sa kooperatiba upang mahimok ang mamamayan na magtatag ng kooperatiba sa kapakinabangan ng bawat kasapi.

“If every Filipino people would have this shared interest, the common interest to uplift and figth this particular extraordinary times, I believe the formation of cooperative could be one of the key answers in fighting this ordeals and trials in economic situation,” bahagi ng pahayag ni Encabo sa Radio Veritas.

Batid ng opisyal ang labis na kahirapang dulot ng COVID-19 pandemic na nagpahina sa pangkabuuang ekonomiya bunsod ng pagsasara ng ilang negosyo dahil sa pagkalugi.

Iginiit ni Encabo na ito ang wastong pagkakataon na magsama-sama ang mamamayan sa pagbuo ng kooperatiba upang magtulungang palaguin ang bawat kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programa tungo sa maunlad na pamumuhay ng bawat indibidwal.

“This is an opportune time for every Filipino people to be in convergence and opportunity to form a cooperative and pull the resources together; to come up with a very sound livelihood program for them, because the essence of building a cooperative is to allow every individual to be a co-owner of the programs, plans and livelihood activities that they are engaging with,” saad pa ng opisyal.

Noong Hunyo 30, 2021 nagbigay ng pag-uulat si Encabo sa kanyang unang 100 araw na pamumuno sa CDA kung saan nakapaglunsad ito ng iba’t ibang programa sa ikauunlad ng mga kooperatiba.

Kabilang sa mga naisakatuparan sa loob ng 100 araw ang pagpapalawig sa bisa ng Certificates of Compliance, panuntunan sa paggamit ng mga kooperatiba sa Community Develoment Fund para sa social services, at pagpapabilis sa proseso ng pagpaparehistro ng mga kooperatiba.

Sinimulan din ni Encabo ang ‘Byaheng Koop Program’ kung saan umiikot ang opisyal sa ilang rehiyon sa bansa at bumisita sa iba’t ibang kooperatiba upang alamin ang kanilang kalagayan at sitwasyon sa gitna ng naranasang pandemya.

Tiniyak pinuno ng CDA ang pagpapatuloy sa mga gawaing pagpapaunlad sa sektor ng kooperatiba upang makatulong sa dagliang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Nakipagtulungan na rin ang CDA sa mga ahensya ng gobyerno sa pagpatupad ng mga programang tututok sa kabuhayan ng mamamayan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Una nang pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga kooperatiba sa isang pagpupulong sa Italya dahil sa malaking ambag nito sa paglago ng kabuhayan ng bawat miyembro nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,348 total reads

 78,348 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,545 total reads

 156,545 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,992 total reads

 189,992 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,289 total reads

 225,289 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,678 total reads

 448,678 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top