Kabataan, inaanyayahan ng CBCP na makibahagi sa “TamaKa”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Kinakailangan ang pakikisangkot ng bawat mamamayan kabilang na ang mga kabataan sa mga usaping panlipunan tulad ng nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ito ang bahagi ng liham paanyaya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth kaugnay sa kasalukuyang nagaganap na voters registration at paghahanda para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Sa ilalim ng Young Davids program ng CBCP-Episcopal Commission on Youth ay inaanyayahan ng komisyon ang lahat ng mga youth ministers mula sa 86 na mga diyosesis sa buong bansa at mga member-organizations ng Federation of National Youth Organizations (FNYO) na makibahagi sa pagpapalaganap ng non-partisan voter registration and education campaign para sa mga kabataan.

“The Young Davids program of the CBCP-Episcopal Commission on Youth is conducting a non-partisan voter registration and education campaign. The CBCP-ECY seeks to partner with you (Diocesean Youth Councils and National Councils of Federation of National Youth Organizations members) to promote value-based civic engagement to prapare our young people for this coming May elections.” paanyaya ng CBCP-Episcopal Commission on Youth.

Bahagi ng kampanya ay ang pagsusulong at pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan sa kahalagahan ng pagboto ng mga Filipino sa halalan.

Kaakibat din nito ang pagbibigay diin sa tungkuling iniatang ng Panginoon sa bawat isa na maging tagapangalaga at tagapangasiwa ng daigdig sa pamamagitan ng pagiging mabuting kasapi ng lipunan na naninindigan para sa ikabubuti ng kapakanan ng mas nakararami o ng common good.

“Its aim is to lead young learners to appreciate the value of voting as their right and responsibility as Filipino citizens, and of democracy as a gift and a stewardship from God as followers of Christ.” Dagdag pa ng komisyon.

Hango ang voters registration campaign ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa “Tamang Kandidato sa Election 2022 o TamaKa” na isang module ng Bawat Isa Mahalaga citizen’s movement na nagsusulong ng maayos at maka-Diyos na pamamahala sa bansa.

Nakapaloob sa nasabing TamaKa modeule ang 2-hour interactive voter education session na inaasahan higit na makatutulong sa mas madaling paggabay sa mga kabataan sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan sa pamamagitan ng pagiging isang matalino at mapanuring botante sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,276 total reads

 12,276 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,498 total reads

 13,498 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,927 total reads

 27,927 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,305 total reads

 65,305 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,575 total reads

 96,575 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,026 total reads

 172,026 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,898 total reads

 264,898 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,687 total reads

 25,687 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top