Catholic schools, kinilala ng Obispo sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,304 total reads

Ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na malaki ang maitutulong ng iba’t ibang Catholic institution sa pagpapalawig ng misyon ng simbahan sa lipunan.

Sa pagninilay ng obispo sa ginanap na Holy Spirit mass ng Diocese of Cubao Education System, binigyang diin nito ang mahalagang tungkulin ng Catholic schools sa pagbibigay pag-asa sa mamamayang humihina ang pananampalataya bunsod ng mga hamong kinakaharap.

“This is where we see the importance of our mission as a Catholic institution, it is to bring the gift of hope to many,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Batid ng obispo ang matinding hamon na pinagdaanan ng mga paaralan lalo na sa new normal sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng blended learning dahil sa epekto ng pandemya.

Tiwala ang pinunong pastol ng diyosesis na sa pamamagitan ng paggabay ng Banal na Espiritu ay mapagtagumpayan ang bawat suliranin at higit na manaig ang diwa ng pagibig ng Diyos sa sanlibutan.

“Still, insipite of many problems we are determined to continue for we believe in our mission; we will be always guided by the Holy Spirit,” giit pa ng obispo.

Hamon pa ni Bishop Ongtioco sa mananampalataya na ipagpatuloy ang paglingap sa labis nangangailangan sa lipunan at maging instrumento ng pag-ibig ni Kristo.

Kinilala ng obispo ang pagtutulungan ng pamayanan sa gitna ng pandemya tulad ng community pantries na umagapay sa pangangailangan ng mga labis naapektuhan ng pandemya.

“God used many people to make them channels of his love to give hope to others to make them realize that God is not distant, He’s close to us through people He sends into our lives,” dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Nagpasalamat naman ang obispo sa mga magulang na patuloy ipinagkatiwala ang paghuhubog ng kanilang mga anak sa parochial schools’ ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 68,057 total reads

 68,057 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,749 total reads

 146,749 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,196 total reads

 180,196 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,493 total reads

 215,493 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,224 total reads

 439,224 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top