Caritas network, patuloy sa pamimigay ng GC sa kabila ng implementasyon ng ECQ sa NCR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Tiniyak ng Simbahang Katolika sa Metro Manila na hindi ito titigil sa kanilang mga programa para makatulong sa mga mahihirap sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, magpapatuloy ang kanilang pamimigay ng mga gift certificates sa mga mahihirap na pamilya at feeding program sa mga malnourished children sa kabila ng muling paghihigpit ng quarantine sa Kamaynilaan.

“Magpapatuloy ang Charity Ayuda ng Caritas Manila sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa pamamagitan ng feeding, nutrition para sa mga malnourished kids at P1,000 gift certificate food voucher sa 200,000 poor families sa NCR+ at 18 mahihirap na probinsya,” mensahe ni Fr. Pascual na siya rin pangulo ng Radio Veritas.

Ganito rin ang pagtitiyak ni Rev. Fr. Joseph Buslon, Director ng Caritas Novaliches, kaugnay sa pagtulong sa mga mga mahihirap sa Diocese ng Novaliches.

“Ang Caritas Novaliches ay magpapatuloy sa mga gawaing relief operations sa mga mahihirap na parokya na nasasakop ng diocese, patuloy ang distribution ng mga GCs worth 1000 in partnership with Caritas Manila “Damayan Project”, distribution ng mga vegetables every Tuesday and Friday in partnership with Tanging Yaman Foundation at pakikipag-ugnayan at tulungan ng mga Parokya, Bikaryato at Dioceses sa paghahatid ng tulong sa mga lubhang maapektuhan ng ECQ. Patuloy din ang aming pag hahatid ng tulong makakain ng mga community mobile pantries at Caritas Kindness Stations,” pahayag ni Fr. Buslon sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ni Msgr. Bobby Olaguer ng Caritas Parañaque na una na silang nakapagsagawa ng pamimigay ng mga gift certificates para sa mga mahihirap na pamilya sa mga nasasakupan lungsod ng kanilang Diyosesis.

Patuloy pa rin aniya silang magpapadala ng tulong at ihahatid nila ito mismo sa tahanan ng mga nangangailangan.

“Donations are coming in rice, noodles and biscuits. We’ll deliver them to those most in need. Gift Certificates from Caritas were distributed. We’ll deliver them house to house with the help of Barangay officials,” mensahe ni Msgr. Olaguer ng Diocese of Parañaque.

Sinabi naman ni Rev. Fr. Rolando Santos ng Caritas Cubao na hindi makakahadlang ang ‘physical distancing at quarantine efforts sa kagustuhan ng Simbahan na makatulong.

“Yes kailangan ng physical distancing pero hindi tayo lalayo lalo na sa mga nangangailangan, napakahalaga ngayon ng presensya ng Simbahan ngayong panahon ng pandemic bilang sanhi ng lakas at pag-asa ng mga tao,” mensahe ni Fr. Santos ng Diocese of Cubao.

Inaasahan na muling ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto taong kasalukuyan.

Magugunitang noong nagdaang taon ay umabot sa 1.38 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang pribadong kumpanya sa kabila ng mga ipinatupad na quarantine measures.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,571 total reads

 73,571 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,076 total reads

 152,076 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,524 total reads

 185,524 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,821 total reads

 220,821 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,368 total reads

 444,368 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,914 total reads

 111,914 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top