Bishop Messiona, nagpaabot ng pagbati kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan sa pagdating ng bagong Apostolic Vicar ng Taytay, Palawan na si Bishop Broderick Pabillo.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, maituturing na isang biyaya ang muling pagbabalik ni Bishop Pabillo sa Palawan na matagal ring nagsilbi bilang pari sa Bikaryato bago naging isang ganap na obispo.

“Welcome back to Palawan, hindi naman po bago kay Bishop (Pabillo) ang Palawan kasi matagal siyang nagtrabaho dito bilang Pari bago siya naging Obispo matagal siya dito so kaya balik Palawan po, welcome at alam na alam na po niya ang sitwasyon ng Palawan, so hindi bago sa kanya,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Mesiona ang kagalakan ng mga pari at layko sa Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan sa pagkakaroon ng bagong pinunong pastol sa katauhan ni Bishop Pabillo na kilala sa pagiging masigasig at determinasyon sa mga gawain at misyon na kanyang hinaharap.

“I’m sure masaya ang mga pari at mga layko sa Apostolic Vicariate ng Taytay kasi matagal na silang nag-aantay ng kanilang Obispo, I’m sure masaya sila dahil kilala na din po nila si Bishop Pabillo at eager na silang i-welcome, excited na sila na magkaroon sila ng pastol lalo na katulad ni Bishop Pabillo na masigasig at talagang very committed sa kanyang gawain,” dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Hinikayat naman ni Bishop Mesiona ang bawat isa na ipagpatuloy ang pananalangin para sa bagong misyong kahaharapin ni Bishop Pabillo bilang bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

Paliwanag ni Bishop Mesiona, higit na kinakailangan ni Bishop Pabillo ang panalangin para sa kanyang mabuting kalusagan at kaligtasan lalo na at matatagpuan sa iba’t ibang isla ang halos kalahati ng mga parokya sa Bikaryato ng Taytay.

“Ang mensahe ko lang po sa lahat ay siguro ipagpatuloy natin we pray for him, we pray for his mission kasi po medyo it’s really a tough assignment, tough in the sense na one half o kalahati ng kanyang mga parokya sa bikaryato ay mga isla so he will do a lot of travel sa dagat, so we pray for his good health, we pray for his safety kasi alam naman natin yung weather ay pabago-bago so it’s not an easy mission so we pray for that,” apela ni Bishop Mesiona.

Taong 1999 ng magsilbi si Bishop Pabillo bilang bahagi ng kaparian ng Puerto Princesa, Palawan bago itinalaga bilang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Maynila noong Mayo 24, 2006.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na naging sede vacante noong taong 2018 ay isa lamang sa dalawang ecclesiastical territories sa Palawan kung saan pinamumunuan ni Bishop Socrates Mesiona ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 36,014 total views

 36,014 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 160,425 total views

 160,425 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 203,108 total views

 203,108 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 281,854 total views

 281,854 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 1,255 total views

 1,255 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top