Caritas network, patuloy sa pamimigay ng GC sa kabila ng implementasyon ng ECQ sa NCR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Tiniyak ng Simbahang Katolika sa Metro Manila na hindi ito titigil sa kanilang mga programa para makatulong sa mga mahihirap sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, magpapatuloy ang kanilang pamimigay ng mga gift certificates sa mga mahihirap na pamilya at feeding program sa mga malnourished children sa kabila ng muling paghihigpit ng quarantine sa Kamaynilaan.

“Magpapatuloy ang Charity Ayuda ng Caritas Manila sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa pamamagitan ng feeding, nutrition para sa mga malnourished kids at P1,000 gift certificate food voucher sa 200,000 poor families sa NCR+ at 18 mahihirap na probinsya,” mensahe ni Fr. Pascual na siya rin pangulo ng Radio Veritas.

Ganito rin ang pagtitiyak ni Rev. Fr. Joseph Buslon, Director ng Caritas Novaliches, kaugnay sa pagtulong sa mga mga mahihirap sa Diocese ng Novaliches.

“Ang Caritas Novaliches ay magpapatuloy sa mga gawaing relief operations sa mga mahihirap na parokya na nasasakop ng diocese, patuloy ang distribution ng mga GCs worth 1000 in partnership with Caritas Manila “Damayan Project”, distribution ng mga vegetables every Tuesday and Friday in partnership with Tanging Yaman Foundation at pakikipag-ugnayan at tulungan ng mga Parokya, Bikaryato at Dioceses sa paghahatid ng tulong sa mga lubhang maapektuhan ng ECQ. Patuloy din ang aming pag hahatid ng tulong makakain ng mga community mobile pantries at Caritas Kindness Stations,” pahayag ni Fr. Buslon sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ni Msgr. Bobby Olaguer ng Caritas Parañaque na una na silang nakapagsagawa ng pamimigay ng mga gift certificates para sa mga mahihirap na pamilya sa mga nasasakupan lungsod ng kanilang Diyosesis.

Patuloy pa rin aniya silang magpapadala ng tulong at ihahatid nila ito mismo sa tahanan ng mga nangangailangan.

“Donations are coming in rice, noodles and biscuits. We’ll deliver them to those most in need. Gift Certificates from Caritas were distributed. We’ll deliver them house to house with the help of Barangay officials,” mensahe ni Msgr. Olaguer ng Diocese of Parañaque.

Sinabi naman ni Rev. Fr. Rolando Santos ng Caritas Cubao na hindi makakahadlang ang ‘physical distancing at quarantine efforts sa kagustuhan ng Simbahan na makatulong.

“Yes kailangan ng physical distancing pero hindi tayo lalayo lalo na sa mga nangangailangan, napakahalaga ngayon ng presensya ng Simbahan ngayong panahon ng pandemic bilang sanhi ng lakas at pag-asa ng mga tao,” mensahe ni Fr. Santos ng Diocese of Cubao.

Inaasahan na muling ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto taong kasalukuyan.

Magugunitang noong nagdaang taon ay umabot sa 1.38 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang pribadong kumpanya sa kabila ng mga ipinatupad na quarantine measures.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,668 total reads

 15,668 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,582 total reads

 16,582 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,015 total reads

 33,015 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,392 total reads

 70,392 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 101,661 total reads

 101,661 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 176,812 total reads

 176,812 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,443 total reads

 269,443 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,315 total reads

 100,315 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top