Pagpapaliban sa religious activities sa Diocese of Balanga, ipinag-utos ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 733 total reads

Muling isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Enhanced Community Quarantine ang buong lalawigan ng Bataan simula ngayong araw, Agosto 8 hanggang 22.

Ito’y bunsod ng muling pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan gayundin sa bilang ng nahawaan ng Delta variant.

Dahil dito, ipinag-utos ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagpapaliban sa pagsasagawa ng mga religious activities sa buong Diyosesis ng Balanga bilang pagtalima sa panuntunan ng IATF sa ilalim ng ECQ at upang matiyak din ang kaligtasan ng mga mananampalataya laban sa virus.

“Now that ECQ status has been approved by national IATF, religious gatherings are prohibited. From August 8-22, 2021, let us abide by and follow the national IATF protocols especially on religious gatherings,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Hinikayat rin ni Bishop Santos ang mga parokyang sakop ng Diyosesis na suspendihin muna ang pagdiriwang ng mga Sakramento tulad ng binyag at kasal, habang patuloy namang isasagawa ang mga Banal na Misa sa pamamagitan ng online live streaming.

“Thus, let us close our Parish Churches for public Sacramental celebrations. Holy Masses will only be online, live streaming with very limited attendees such as lector, choir of three and our in-house personnel. We suspend Baptisms and reset Weddings,” ayon sa Obispo.

Batay sa tala ng Bataan Provincial Health Office, umabot na sa kabuuang bilang na 14,643 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong lalawigan kung saan 1,974 rito ang aktibong kaso, habang 16 naman ang naitalang nagpositibo sa Delta variant.

Samantala, umabot na rin sa mahigit 122,000 mamamayan ng lalawigan ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine, habang nasa higit 115,000 naman ang kumpleto na sa bakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,201 total reads

 80,201 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,309 total reads

 158,309 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,757 total reads

 191,757 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,053 total reads

 227,053 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,387 total reads

 450,387 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,811 total reads

 157,811 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top