Pangangailangan ng charity patients, tinutugunan ng UP-PGH Chaplaincy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Patuloy na itinataguyod ng University of the Philippines – Philippine General Hospital Chaplaincy ang pamamahagi ng tulong at suporta sa mga pasyenteng naka-admit sa ospital lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Ito ang paraan ng UP-PGH Chaplaincy upang sa simpleng paraan ay makatulong sa mga pasyente na maibsan ang ibang alalahanin sa kabila ng mga iniindang karamdaman.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng ospital na maliban sa pagbisita sa mga pasyente upang maghandog ng mga panalangin at sakramento, namamahagi rin ang chaplaincy ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga charity patients.

“Hindi naman kami huminto sa aming regular visit sa COVID wards. Maliban sa aming usual visits to COVID patients to pray over and anoint them, we continue the feeding, pagbibigay ng [pagkain] every morning sa mga bantay na nasa labas ng [Emergency Rooms]. Patuloy din ang pamimigay namin ng groceries para sa lahat ng charity patients,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban naman sa pamamahagi ng mga pagkain ay sinisikap rin ng chaplaincy na mamahagi ng mga facemasks at alcohol sa mga bantay ng bawat pasyente bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, nananawagan naman si Fr. Ocon para sa mga nais na magbigay ng donasyon at suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pagkakawanggawa para sa mga higit na nangangailangan.

“Kami po ay kumakatok sa inyong puso na sana po kayo ay makatulong sa amin para matulungan din ang mga pasyente. Sana’y maipagpatuloy namin ang pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan nila, kung mayroon mang pwedeng tumulong. Mahalaga rin po ang pamimigay namin ng alcohol at facemask, kung mayroon pong gustong tumulong sa ganitong uri ng pangangailangan nila, welcome po at bukas po kami na tumanggap at humingi ng tulong para dito,” panawagan ni Fr. Ocon.

Nababahala naman si Fr. Ocon para sa kaligtasan ng mga non-COVID patients dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 na dinadala sa PGH.

Batay sa ulat, umabot na sa 169 ang kumpirmadong COVID-19 patients o 75-porsyento ng 225 kapasidad ng COVID-19 Intensive Care Unit ng nasabing ospital.

Naitala naman ng Department of Health noong Agosto 7 ang 2,823 panibagong kaso – ang kasalukuyang pinakamataas na bilang ng mga nahawaan ng virus sa Metro Manila sa loob lamang ng isang araw.

Kasalukuyan namang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila hanggang Agosto 20, 2021.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,615 total reads

 11,615 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,893 total reads

 12,893 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,892 total reads

 26,892 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,270 total reads

 64,270 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,540 total reads

 95,540 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,048 total reads

 171,048 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,969 total reads

 263,969 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,025 total reads

 74,025 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top