PPCRV muling nanawagan sa mga botante na magparehistro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Mahalaga ang nakatakdang halalan sa susunod na taon kaya’t marapat lamang na paglaanan ng panahon ang pagpaparehistro upang makaboto.

Ito ang panawagan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kaugnay sa nalalabing mahigit 40-araw ng voters registration ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay PPCRV National Vice Chairman Bro. Johnny Cardenas, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng bawat Pilipino sa nakatakdang National and Local Elections sa susunod na taon kaya’t dapat na makapagparehistro ang bawat isa upang makaboto.

Partikular na nanawagan si Cardenas sa mga kabataan na edad 18-taong gulang na sa pagsapit ng halalan sa ika-9 ng Mayo ng taong 2022 at sa mga natanggal sa listahan ng mga botante dahil sa pagkabigo na makaboto sa dalawang magkasunod na halalan sa bansa.

“Panawagan sa mga hindi pa nakakapagrehistro, malapit na ang deadline na itinakda para tayo ay magkaroon ng pagkakataon na makapagrehistro, alam po ninyo mahalaga ang papel natin bilang mga Pilipino na sana tayo ay makilahok, aktibong makilahok sa darating na halalan at yan ay magagawa lang natin kung tayo ay nakarehistro kung kaya’t yung mga taong ngayon ay 18-anyos na at yung mga taong sa mga nakaraang taon ay hindi bumoto at nade-list na nawala na sa listahan kayo po ay tinatawagan na magparehistro.” panawagan Cardenas sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ni Cardenas, higit na mahalaga ang partisipasyon at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa darating na halalan.

Paliwanag ni Cardenas, ang nakatakdang National and Local Elections ang magtatakda sa magsisilbing pangulo at pangalawang pangulo ng bansa para sa susunod na taon kung saan inaasahan ang muling pagbubuo at pagsisimula ng mga bagong plano at patakaran para sa susunod na henerasyon.

Sa ganitong dahilan ayon kay Cardenas ay sadyang mahalaga ang aktibong partisipasyon at matalinong pagpili ng mga kabataan ng mga karapat-dapat na ihalal bilang mga opisyal ng bayan.

“Mahalaga na dito sa halalang ito kayo ay makilahok sapagkat dito uumpisahan at bubuuin ang mga plano at mga patakaran sa mga darating na mga henerasyon, so sila ang makikinabang dito kung kaya’t mahalaga ang papel na gagampanan ng mga kabataan, tumulong na manawagan at pasiglahin ang pakikilahok ng lahat lalong lalo na ng mga kabataan.” Dagdag pa ni Cardenas.

Batay sa pinakahuling tala ng COMELEC, umaabot na sa 60.1-milyong ang bilang ng mga rehistradong botante na maaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Sa bilang na ito, mahigit 58-milyon ang mga existing registered voters; mahigit 1.2-milyon naman ang mga bagong rehistro; habang mahigit sa 800-libo naman ang mga first time voters na edad 18-taong gulang na sa pagsapit ng nakatakdang halalan sa ika-9 ng Mayo sa susunod na taon.

Tinatayang nasa 13-milyong mga Filipino pa rin ang hindi nakapagpaparehistro bukod pa sa nasa 6.3-milyong delisted voters na may pagkakataon pang makapagparehistro hanggang sa ika-30 ng Setyembre ng kasalukuyang taong 2021.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,533 total reads

 2,533 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,532 total reads

 8,532 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,203 total reads

 46,203 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,473 total reads

 272,473 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,939 total reads

 165,939 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,548 total reads

 259,548 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top