Mamamayan, inaanyayahan ng Diocese of Novaliches na makiisa sa Diocesan Online Telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Inaanyayahan ng Diocese of Novaliches ang bawat isa na makibahagi sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng diyosesis na may temang “Tinapay ko, Handog ko”.

Ayon kay Rev. Fr. Luciano Ariel Felloni, Director ng Social Communications and Media Ministry ng Diocese of Novaliches, layunin ng programa na makalikom ng pondo upang makatulong at makapagbigay ng ayuda sa mahihirap na mga parokya sa diyosesis ngayong panahon ng pandemya.

Pagbabahagi pa ng Pari, ang natakdang online Diocesan Telethon ay bahagi rin ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng pagiging punong pastol ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa Diyosesis.

“Sa August 21, bilang bisperas ng 2nd anniversary ng pagka-obispo ni Bishop Robbie (Roberto) Gaa, we are organizing our first time ever Diocesan Telethon from 7am to 7pm, we will be on Facebook Live Online all the time. Ang program na ito ay magkakaroon ng isang layunin na ito ay tumulong sa mga pinakamahirap na mga parishes sa Diocese of Novaliches ngayong panahon ng pandemya sa pagbibigay ng ayuda,” pahayag ni Rev. Fr. Felloni sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na target ng diyosesis na makalikom ng sapat na pondo sa online Diocesan Telethon upang makapagkaloob ng food assistance sa 1,000 hanggang 1,500 pamilya sa bawat parokya partikular na sa mga mahihirap na komunidad sa diyosesis.

Ayon kay Fr. Felloni, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang magsilbing kaagapay ng Social Action Commission ng diyosesis sa pagtugon sa mga pangangailangan lalo na ng mga mahihirap.

“Concretely we are trying to give atleast every parish 1,000 to 1,500 families yung help in the form of rice and food assistance, so yun po yung aming layunin to raise funds para tumulong po sa Social Action Commission ng diocese sa pagbibigay ng ayuda to the poorest parishes na minsan sila po ang pinaka-poor even in benefactors, pinakamahirap kumuha ng benefactors, ng tulong so we will make all the effort with them,” dagdag pa ni Fr. Felloni.

Nakatakda ang kauna-unahang online Diocesan Telethon ng Diocese of Novaliches sa ika-21 ng Agosto, 2021 mula alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi kung saan inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook Livestreaming ng gawain.

Inaasahan naman ang pakikibahagi sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng ilang mga personalidad ng Simbahang Katolika kabilang na ang TikTok Priest na si Fr. Fiel Pareja; Social Media Influencer of the Year 2021 Fr. Fidel Roura; Fr. Jerry Orbos, SVD; Fr. Franz Dizon; at Bro. Bo Sanchez; kung saan inaasahan rin ang isang virtual interview sa Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle na siyang Prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples.

Ayon kay Fr. Felloni, may iba’t ibang paraan upang makapagpaabot ng tulong at makiisa sa layunin ng online Diocesan Telethon ng diyosesis kabilang na ang pagpapadala ng in-cash donation sa iba’t ibang paraan o kaya naman ay mga in-kind donation sa mga parokya ng Diyosesis ng Novaliches.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,539 total reads

 2,539 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,538 total reads

 8,538 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,209 total reads

 46,209 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,479 total reads

 272,479 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,945 total reads

 165,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,554 total reads

 259,554 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top