Penitential walk for protection vs COVID-19, isinagawa ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total reads

Nagsagawa ng ‘Penitential Walk for Protection against COVID-19’ ang mga lingkod ng Simbahan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan.

Ang isinagawang Penitential Walk ng Bikaryato na pinangunahan ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona noong ika-13 ng Agosto, 2021 ang nagsilbing pangwakas na gawain para sa annual 4-day retreat ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa clergy na nagtapos sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa Immaculate Conception Cathedral.

Sa pagninilay ni Bishop Mesiona, ibinahagi ng Obispo na layunin ng isinagawang Penitential Walk ng mga Pari ng bikaryato na magsumamo para sa habag, awa at pag-ibig ng Panginoon sa banta ng COVID-19 sa buhay ng bawat isa.

Ayon sa Obispo, isa ring paraan ang isinagawang penitential walk at pananalangin ng Santo Rosaryo upang humingi ng pagpapatawad sa mga pagkakasalang nagawa ng bawat isa at mapagpakumbabang humingi ng awa sa Panginoon upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

“Ang purpose po ng penitential walk na yun ay humingi sana tayo sa Panginoon na kaawaan, kabahagan at he will intervene para matigil na po itong pandemic na ito kasi medyo matagal na po, mahigit dalawang taon na po tayong nandito sa pandemyang ito sanhi ng COVID-19. Tayo po ay nagpapakumbabang nagmamakaawa sa ating mahal na Panginoon na sana ay tulungan niya tayo para matigil na ang pandemyang ito, para makabalik na tayo sa ating normal na buhay,” pagninilay ni Bishop Mesiona.

Nilinaw naman ng Obispo na para sa kapakanan at kaligtasan ng publiko mula sa COVID-19 ang hindi pagpapahintulot ng bikaryato sa mga mananampalataya na makisama at makilahok sa isinagawang Penitential Walk lalo na sa paglalakad at pagdarasal ng Santo Rosaryo.

“Hindi na po namin inopen yung penitential walk sa public kasi alam namin na kapag inopen yan sa public ay mas marami siguro ang sasama at kung marami ang sasama baka mapuna tayo na nag-expose the people to the danger of getting sick of COVID-19,” dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Bilang pag-iingat mula sa banta ng COVID-19 pandemic at pagsunod sa mga ipinatutupad na safety health protocol ay hinati rin sa dalawa ang retreat ng mga lingkod ng Simbahan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kung saan ang iba ay nasa central part ng Bikaryato habang ang iba naman ay nasa southern part.

Matatandang una ng nagsagawa ng Penitential Service ang Archdiocese of Manila noong unang araw ng Hunyo at Diocese of Borongan noong ika-20 ng Hulyo ng kasalukuyang taon bilang patuloy na pagsusumamo at paghingi ng gabay sa Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan partikular na mula sa COVID-19 pandemic.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,017 total reads

 2,017 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,834 total reads

 7,834 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,575 total reads

 45,575 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,845 total reads

 271,845 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,311 total reads

 165,311 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,963 total reads

 258,963 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top