Kalagayan ng medical frontliners, binigyan pansin ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Binigyang-pansin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kalagayan ng mga medical frontliners ngayong pandemya na patuloy na ginagampanan ang kanilang misyong bigyang-lunas ang mga apektado ng coronavirus disease.

Sa mensahe ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission, kapansin-pansin na ang paghihirap at sakripisyo ng mga health workers sa kanilang hanapbuhay upang mapaglingkuran ang mga higit na nangangailangan ng atensyong medikal.

Ayon kay Bishop Mesiona, maliban sa lantad ang mga nurse at doktor sa panganib na mahawaan ng COVID-19, lumalabis na rin ang mga ito sa oras ng kanilang pagtatrabaho bunsod ng kakulangan sa mga empleyado ng ospital na mag-aalaga at gagamot sa mga higit na apektado ng virus.

Ito rin ang nagiging sanhi ng paghina ng katawan ng mga medical frontliners kung kaya’t ang mga ito ay nahahawaan na rin ng COVID-19.

“Mahirap po ang kalagayan ng mga health workers nitong panahon ng pandemya. Hindi lamang na sila’y expose na mahawaan ng sakit, overwork din sila dahil sa daming mga pasyenteng kanilang inaalagaan,” bahagi ng pahayag ni Mesiona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na sa sitwasyong ito ng mga medical frontliners ay dapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng pamahalaan upang sila’y mabigyan ng karampatang benepisyo at suporta kapalit ng kanilang sakripisyo.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Bishop Mesiona ang bawat isa na ipanalangin ang mga medical frontliners upang gabayan ng Panginoon sa kanilang misyon na gamutin ang mga mayroong malubhang karamdaman.

Gayundin, ang gawaran ang mga ito ng ligtas at malakas na pangangatawan laban sa panganib na mahawaan ng nakamamatay na virus.

“Kaya dapat talaga sila suportahan ng ating pamahalaan at patuloy natin silang ipanalangin,” saad ni Bishop Mesiona.

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa mahigit 21,000 medical frontliners ang nagpositibo sa COVID-19 magmula nang ito’y lumaganap sa bansa noong nakaraang taon.

Sa bilang na ito, nasa higit 100 medical workers na ang naitalang nasawi sanhi ng nakamamatay na virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,936 total reads

 3,936 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,098 total reads

 42,098 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,369 total reads

 268,369 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,834 total reads

 161,834 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,651 total reads

 255,651 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,371 total reads

 150,371 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top