Multi-bilyong pisong “unused at misused funds’ ng DOH, isang criminal negligence

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total views

Naniniwala ang Church People – Workers Solidarity na maituturing na criminal negligence sa bahagi ng iba’t ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan ang mismanagement sa bilyong halaga ng pondo mula sa kaban ng bayan.

Ito ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Church People – Workers Solidarity na pinangungunahan ni CWS Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa isinapublikong report ng Commission on Audit (COA) sa ‘unused and misused funds’ partikular na ng Department of Health lalo na ngayong panahon ng pandemya na tinatayang aabot ng Php 67.3 billion COVID-19 funds.

Ayon sa Obispo, higit na mahalagang magamit sa tama at mga naaangkop na programa ang pondo ng kagawaran mula sa kaban ng bayan na maaari sanang makapaglitas ng mas maraming buhay mula sa malawakang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19.

Bukod dito, naniniwala rin si Bishop Alminaza na malaki sana ang maitutulong ng mga hindi nagamit na pondo ng kagawaran upang matugunan ang economic conditions o pangangailangan ng maraming medical frontliners na pangunahing tumutugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kalusugan at upang mailigtas ang mga mamamayang Pilipino mula sa sakit.

“CWS believes that this mismanagement of billions-worth of public funds constitutes criminal negligence. These funds could have been used to save thousands of lives if only these were translated into meaningful programs during the Covid-19 health crisis. Furthermore, the amount could have at least eased the economic conditions of our frontline health workers,” pahayag ni Bishop Gerardo Alminaza.

Nagpahayag naman ng suporta ang Church People – Workers Solidarity sa planong mass protest ng mga medical frontliners o health workers mula sa pribado at mga pampublikong ospital upang ipapanawagan ang mga pangakong benepisyo ng pamahalaan na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipagkakaloob sa sektor pangkalusugan.

Ayon kay Bishop Alminaza, naaangkop lamang ang planong pagpoprotesta ng Alliance of Health Workers (AHW) upang maipaabot hindi lamang sa mga opisyal ng bayan kundi maging sa taumbayan ang kabiguan ng pamahalaan partikular na ng DOH na ipagkaloob ang benepisyong naaangkop sa halos dalawang taon ng pagsasakripisyo ng mga health workers.

“CWS supports the planned mass protest of a group of health workers from private and public hospitals over DOH’s failure to release their benefits. The planned mass protest by the Alliance of Health Workers (AHW) is just and legitimate in the midst of government’s failure to listen to the grievances of the health sector, which includes meal, transportation, and accommodation allowance, Special Risk Allowance and Active Hazard Duty Pay,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Nasasaad sa isinapublikong report ng COA ang mahigit sa Php 67.3 billion unused or misused COVID-19 funds ng DOH na kinabibilangan ng Php 11.9 billion worth of unused risk allowance and hazard pay; P 1.2 billion unutilized and undelivered equipment; P 2.8 billion idle for infrastructure projects; Php 95 million worth of expired, idle drugs and medicines; Php 4.6 billion unused for public health; Php 65.3 million deficiencies in procurement of assets; nasa Php 557.7 million “excessive and unnecessary” expenditures.

Bukod pa dito ang unused Php3.4 billion na foreign aid para sa Covid-19 response efforts ng DOH noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 39,263 total views

 39,263 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 69,486 total views

 69,486 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 96,137 total views

 96,137 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 191,110 total views

 191,110 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 209,687 total views

 209,687 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top