Cardinal Advincula, nag-alay ng panalangin sa kaligtasan ng mga taga-Afghanistan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Ipinapanalangin ng Archdiocese of Manila ang mga mamamayan ng Afghanistan na nakaranas ng kaguluhan dahil sa sigalot ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, dalangin nito ang pagkakaroon ng malawak na kaisipan ng magkabilang panig tungo sa pakikipag-usap upang maiwasang lumala ang sitwasyon sa lugar.

“Katulad ng panawagan ni Pope Francis, nakiki-isa ang buong Archdiocese of Manila sa panalangin para sa mga kapatid natin sa Afghanistan, lalong-lalo na sa mga kapatid nating mga Kristiyano. Nawa ay isasantabi ang dahas at karahasan bagkus ay maging bukas ang pag-iisip ng lahat ng panig at magkaroon ng dialogue na siyang tanging daan ng pagkakaisa at kapayapaan,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Matatandaang sumiklab ang kaguluhan sa Afghanistan makaraang sakupin ng Taliban fighters ang Kabul at pasukin ang Afghan Presidential Palace noong Agosto 15, 2021.

Agad na nilisan ni Afghanistan President Ashraf Ghani at iba pang opisyal ng bansa kasama na ang mga opisyal ng embahada ng Amerika sa Afghanistan.

Batay sa kasaysayan 2001 nang salakayin ng Amerika ang Afghanistan upang alisin ang Al Qaeda terrorist na responsable sa pang-atake sa twin tower ng Amerika noong Setyembre ng parehong taon.

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan ng mamamayan at mangibabaw ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.

“Nawa ay mapangalagaan ang kaligtasan at karapatan ng bawat isang tao,” ani Cardinal Advincula.

Bukod dito nag-alay din ng panalangin si Cardinal Advincula para sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti kung saan ayon sa UNICEF nasa 1.2 milyong katao ang apektado.

Hiling nito sa Panginoon ang kaliwanagan ng puso at isip ng mamamayan na nahaharap sa matinding krisis sa kasalukuyan.

 

Panalangin ng pakikiisa sa Haiti at Afghanistan

Diyos ng pag-ibig at kapayapaan,
itinataas po namin sa iyo
ang mga kapatid namin sa Haiti
na dumaranas ng paghihirap dahil sa lindol.
Itinataas din po namin sa iyo
ang mga kapatid namin sa Afghanistan
na dumadaan sa matinding krisis.
Ingatan mo po sila sa lahat ng pangamba at panganib.
Bigyan mo ng liwanag ang kanilang isip at puso
upang hanapin ang daan patungo sa ikabubuti ng lahat.
Sa panahong ito ng pangangailangan,
magtulong-tulong nawa ang mga bansa
upang matamo ang hinahangad na kapayapaan.
Amen

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 39,349 total views

 39,349 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 69,572 total views

 69,572 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 96,223 total views

 96,223 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 191,196 total views

 191,196 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 209,766 total views

 209,766 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top