Katatagan at kaligtasan ng health care workers, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Ang mga healthcare workers ang katuwang ng lipunan upang lubusang makamtan ang kagalingan laban sa iba’t ibang karamdaman.

Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos bilang pagsuporta sa mga healthcare workers na ngayo’y nahaharap sa iba’t ibang suliraning dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Santos, dapat lamang na ipagpasalamat at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers sapagkat sila ang tumutulong at naghahatid ng lunas laban sa umiiral na pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

“Our healthcare workers are our helping and healing hands. Let us be grateful for their selfless services and saving sacrifices. Let us appreciate how with their time and talents they care for us, comfort us and cure us,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na bilang mabubuting mamamayan, makakatulong na maibsan ang paghihirap ng mga medical frontliners ngayong pandemya sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga panuntunan ng IATF upang maiwasan ang pagkahawa at patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“With our obedience to the IATF protocols is our valuable assistance to them. Observing personal hygiene and following medicinal precautionary measures are our collaboration with them to stop the transmission of COVID-19,” ayon sa Obispo.

Dalangin naman ni Bishop Santos na nawa’y patuloy na gabayan ng Poong Maykapal ang mga tagapaghatid ng lunas upang maging matatag at ligtas sa banta ng virus.

“We pray that God will keep them strong, safe and spare from any harm as they serve us with love and responsibility. Our good Lord may deliver them from sickness, cover them with His graces and provide them with their necessary needs,” dalangin ni Bishop Santos.

Samantala, nagpaabot din ng panalangin si Legaspi Bishop Joel Baylon, para sa katatagan at kaligtasan ng mga healthcare workers habang ginagampanan ang mga tungkulin ngayong pandemya.

Hinihiling ng Obispo na nawa ang mga medical frontliners ay patuloy lamang na magtiwala sa pagmamahal at paggabay ng Diyos lalo na sa mga pagkakataong sila’y pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na ng pag-asa.

“I offer fervent prayers for their well-being and protection, as well as words of encouragement that they may not lose hope when they feel weak and discouraged, but instead, gather strength from our loving God who never abandons us. In Him alone are we saved,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Batay sa tala ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na noong nakaraang taon, tinatayang nasa 40-porsyento ng mga private hospital nurses ang nagbitiw bunsod ng mababang sweldo at hindi maayos na sistema sa mga ospital lalo na ngayong pandemya.

Pinangangambahan namang maaari itong magdulot ng labis na kakulangan sa mga healthcare workers sa mga ospital sa bansa na makakatuwang sa pagbibigay-lunas sa mga apektado ng virus.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,287 total reads

 12,287 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,510 total reads

 13,510 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,948 total reads

 27,948 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,326 total reads

 65,326 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,596 total reads

 96,596 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,044 total reads

 172,044 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,915 total reads

 264,915 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,070 total reads

 74,070 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top