Pagtutulungan at pakikipag-ugnayan, isusulong ni Bishop Pabillo sa Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total views

Pagtutulungan at pakikipag-ugnayan, layunin ng bagong Bikaryo Apostoliko ng Taytay, Palawan.

Ito ang binigyang-diin ni Bishop Broderick Pabillo kasabay ng pormal na pagtatalaga sa kaniya bilang bagong punong pastol ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan.

Sa pagninilay ni Bishop Pabillo, pinasalamatan nito ang mga pinuno mula sa lalawigan ng Palawan at mga kinasasakupang lungsod ng Bikaryato dahil sa mainit na pagsalubong at pagtanggap sa kaniya bilang bagong pastol ng Apostoliko Bikaryato.

Sinabi ng Obispo na nais nitong ipalaganap ang maayos na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng simbahan at lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng katotohanan, pangangalaga sa sangnilikhang biyaya ng Poong Maykapal para sa lahat, at ang paninindigan para sa karapatan ng bawat mamamayan.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na maaaring minsan ay makakapagbitaw siya ng mga mabibigat na salita laban sa pamahalaan, ngunit ito lamang ay paraan niya upang bigyang-pansin ang mga gawaing hindi nagdudulot ng magandang epekto sa mamamayan.

“Ibig kong makipagtulungan sa inyo para sa ikabubuti ng pamayanan. Pero sana maintindihan ninyo na kung minsan makakarinig kayo ng mabibigat na puna galing sa akin; hindi iyan nangangahulugan na tinitira ko kayo personally. Maging professional at mature lang tayo,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang installation bilang Bikaryo Apostoliko ng Taytay.

Umaasa ang Obispo na kanyang makakasundo ang bawat pinuno sa lalawigan upang maging simbolo ng maayos na ugnayan para sa kapayapaan at pagtataguyod ng mga aral at turo para sa pagiging mabuting Kristiyano.

“Mag-uusap tayo ng personal at ako mismo ay gustong magkaroon ng personal na ugnayan sa inyo kasi tayo ay magkakapatid sa paglilingkod at marami naman sa inyo ay mga Kristiyano din,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kabilang sa mga dumalo sa Civic Ceremony bilang pormal na pagtanggap kay Bishop Pabillo ay sina Palawan Provincial Vice Governor Dennis Socrates; Palawan First District Congressman Franz Alvarez; Board Member Juan Antonio ALvarez; Roxas Mayor Dennis Sabando; El Nido Mayor Edna Gacot-Lim; Coron Mayor Rica Reyes-Gaw; at Taytay Mayor Christian Rodriguez.

Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Hunyo 29 si Bishop Pabillo bilang ikalawang Apostolic Vicar ng Taytay, kapalit ni Taytay Bishop Emeritus Edgardo Juanich na nagbitiw noong taong 2018 dahil sa karamdaman sa kalusugan.

Bago ito, si Bishop Pabillo ay naging Apostolic Administrator ng Arkidiyosesis ng Maynila noong Pebrero 2020 matapos na hirangin ni Pope Francis ang noo’y Arsobispo ng Maynila at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Nagsilbi naman ito bilang Auxilliary Bishop ng Maynila sa loob ng 15 taon, matapos na italaga ni Pope Benedict XVI noong 2006.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 44,965 total views

 44,965 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 75,188 total views

 75,188 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 101,839 total views

 101,839 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 196,812 total views

 196,812 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 214,976 total views

 214,976 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top