Pandemya, paalala upang patatagin ang pananampalataya at paniniwala sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,226 total reads

Ito ang mensahe ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco para sa mga taong nawawalan na nang pag-asa dahil sa patuloy na epekto ng coronavirus disease sa lipunan.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Bishop Ongtioco na marahil ang nagaganap na krisis sa kapaligiran ay paraan ng Diyos upang mas patatagin ang pananampalataya ng tao lalo na ngayong panahon ng mga pagsubok.

“Siguro ngayon, lalo na sa mga dumaan na maraming pagsubok, sangkap ng buhay ng tao, kung minsan hindi naman dahil gusto ng Diyos na tayo’y pahirapan. Ngunit ito ay paraan upang lalong tayo’y tumibay, mag-mature, maging hinog, maging solido ang ating pananampalataya at paniniwala sa Diyos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ng Obispo na patuloy na sinisikap ng simbahan ang pagsasagawa ng online masses upang patuloy na maihatid sa mga mananampalataya ang mabuting balita ng Panginoon habang nananatili sa mga tahanan at nag-iingat laban sa epekto ng COVID-19.

“Salamat sa Diyos, may digital technology, may live streaming o online mass para maalagaan din ang pananamplataya ng mga tao at patuloy silang magkaroon ng pag-asa,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Paliwanag naman ni Bishop Ongtioco na ang mga imahen ng mga banal o mga istruktura ng simbahan ay sumisimbolo na palagi nating kapiling ang Diyos.

Nagpapahiwatig ito ng pag-asa upang maging matatag sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na nararanasan ng bawat tao ngayong pandemya.

“So kapag nakakita tayo ng religious image o symbol o kaya ng simbahan, sinasabi na kailanman di tayo nag-iisa. Kasama natin ang Diyos sa bawat sandali kaya tumawag lang. Humingi sa kanya ng tulong, humingi sa kanya ng lakas at pagpapala,” saad ni Bishop Ongtioco.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, naitala nito ang pinakamataas na bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 17,231, habang naitala naman ang 5,595 na mga gumaling at 317 ang mga nasawi.

Sa kabuuang bilang na 1,807,800 naging kaso ng virus sa bansa, nasa 123,251 rito ang aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,576 total reads

 22,576 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,192 total reads

 59,192 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,462 total reads

 285,462 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,929 total reads

 178,929 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,752 total reads

 271,752 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,064 total reads

 151,064 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top