Alay Kapwa Legacy program, pasisimulan na ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 852 total reads

Nakatakdang simulan ng Caritas Philippines ang pagpapatupad ng dalawa sa pangunahing Alay Kapwa Legacy Program nito bilang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action – Justice and Peace at national director ng NASSA- Caritas Philippines ,sisimulan na ang pagpapatupad ng Pamilya Feeding Program at Educational Assistance Program kung saan magmumula sa iba’t ibang diyosesis ang mga benepisyaryo ng programa.

Pagbabahagi ng Obispo, 60-pamilya mula sa anim na piling diyosesis sa bansa ang pipiliing benepisyaryo para sa Pamilya Feeding Program na bibigyan ng 300-piso kada araw sa loob ng 6 na buwan.

Kabilang sa anim na diyosesis na bahagi ng Pamilya Feeding Program ng Caritas Philippines ay ang mga diyosesis ng Kidapawan, Dumaguete, Infanta, Libmanan at arkidiyosesis ng Cotabato at Capiz.

“Ipapatupad na po natin ang ating Alay Kapwa Legacy Program ng Caritas Pilipinas [ang] Pamilya Feeding Program at Educational Assistance Program para sa ating mga kabataan. Anim na mga diyosesis ang tatanggap ng tulong para sa Pamilya Feeding Program ang mga diyosesis ng Kidapawan, Cotabato, Capiz, Dumaguete, Infanta at Libmanan. Bawat pamilya po ay bibigyan natin ng 300pesos everyday at ang bawat diyosesis ay pipiliin natin ang mga beneficiaries 60-families for every dioceses at itong tulong ay ibibigay natin for 6-months.” Ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Sampung (10) mga diyosesis naman sa bansa ang kabilang sa Educational Assistance Program ng Caritas Philippines kung saan ang bawat diyosesis ay pipili ng 50 mga kabataang benepisyaryo na pagkakalooban ng 10,000 libong piso at gadgets na magagamit para sa pag-aaral.

Kabilang sa sampung diyosesis na ito ay ang mga diyosesis ng Bontoc-Lagawe, Basilan, Jolo, Marawi, Libmanan, Infanta, Dumaguete, Capiz, Cotabato at Kidapawan.

“Para naman sa atin Educational Assistance Program, sampung mga diyosesis ang bibigyan natin ng tulong ang mga diyosesis ng Bontoc-Lagawe, Basilan, Jolo, Marawi, Libmanan, Infanta, Dumaguete, Capiz, Cotabato at Kidapawan. Bawat diyosesis po ay pipili ng 50 na mga kabataan at ang bawat bata na ating tutulungan ay bibigyan natin ng 10,000pesos at maliban diyan ay tutulungan pa natin na magkaroon sila ng mga gadgets para sa kanilang pag-aaral.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, layunin ng Alay Kapwa Legacy Program ng Caritas Philippines na maiangat ang buhay ng mga mamamayan mula sa paghihirap at magsilbing daan para sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Umaasa naman ang Obispo sa patuloy na suporta ng bawat isa sa mga adbokasiya at programa ng Caritas Philippines upang patuloy pang dumami ang mga matulungan ng Simbahang Katolika sa bansa.

“Ang lahat po ng ito ay ating ginagawa upang ang ating mga kababayan ay maiangat natin sa kanilang paghihirap at mabigyan natin ng magandang kinabukasan ang ating mga kabataan. Tulungan niyo po ang Caritas Pilipinas, magtulungan po tayo para sa ating bayan, kapwa ko, pananagutan ko.” Apela ni Bishop Bagaforo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,383 total reads

 13,383 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,526 total reads

 14,526 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,648 total reads

 29,648 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,025 total reads

 67,025 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,295 total reads

 98,295 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,649 total reads

 173,649 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,437 total reads

 266,437 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,873 total reads

 25,873 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top