Laganap na kagutuman at kaguluhan, ikinababahala ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 539 total views

Nababahala ang opisyal ng Vatican sa paglaganap ng labis na kagutuman sa iba’t ibang bahaging daigdig.

Ayon kay Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at Presidente ng Caritas International, hindi dapat kalimutan ang mapanganib na virus ng pagkagutom at kahirapan na naging mas malala dahil sa coronavirus pandemic.

“Bago pa ang COVID-19 pandemic may virus na kalat at nararanasan sa buong mundo: hunger and poverty.
Masasabing kasing grabe o mas grabe kaysa sa COVID-19 virus ang hunger at poverty na laganap sa mundo; nakakalungkot lang na halos napabayaan ito. Kasama dapat ito sa pagtutok sa pandemic,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle na nakadagdag sa krisis ng kagutuman ang kaguluhan sa ibat-ibang bansa.

“Nadagdag pa ang kaguluhan sa Ibang bansa tulad ng Afghanistan, Myanmar, Lebanon at lindol sa Haiti” pahayag ni Cardinal Tagle

Batay sa tala ng United Nations food agencies umaabot sa 690-milyong katao o katumbas sa 8.9 porsyento sa kabuuang populasyon ng daigdig ang natutulog sa gabi na gutom mula pa noong 2014.

Sa taya naman ng World Bank inaasahang aabot sa halos 150 milyong katao sa buong mundo ang makaranas ng extreme poverty ngayong 2021 dahil sa labis na epekto ng pandemya sa kabuhayan ng maraming mamamayan.

Dahil dito tiniyak ni Cardinal Tagle na siyang pangulo ng Caritas Internationalis, ang social arm ng simbahang katolika ang patuloy na pagkilos upang tulungan ang mamamayan na nakararanas ng labis na kagutuman.

Naglunsad ng iba’t ibang programa ang mga social arm ng simbahan sa buong daigdig na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan partikular na ang mga nasasalanta ng mga kalamidad, biktima ng karahasan at iba pang suliranin.

Sa Pilipinas naitala ang 4.2 milyong pamilya ang nagugutom noong Mayo sa isinagawang pag-aaralng Social Weather Station kasunod ng pagpatupad ng mahigpit na community quarantine noong Abril.

Dahil dito tuloy-tuloy ang Caritas Manila ng Archdiocese of Manila sa pamamahagi ng mga gift certificates na nagkakahalaga ng isanlibong piso sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila at iba pang lalawigan ng bansa bilang tulong sa naapektuhan ng pandemya.

Bukod pa rito ang pagtugon na ginagawa ng Caritas Philippines at mga social action centers ng bawat parokya.

Hamon ni Cardinal Tagle sa bawat mamamayan lalo na ang mga nakaluluwag sa buhay na makiisa sa pagtugon at paglingap sa pangangailangan ng kapwa upang maibsan ang hirap na naranasan, na naging malala dahil sa pandemic.

Nanawagan din ang Kardinal na Ingatan natin ang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,045 total views

 2,045 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,855 total views

 39,855 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,069 total views

 82,069 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,606 total views

 97,606 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,730 total views

 110,730 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,185 total views

 14,185 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top