Pangalagaan ang sarili laban sa COVID-19, patuloy na panawagan ng Simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Patuloy na hinihikayat ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang panawagan ng Obispo upang mabawasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa, gayundin upang maiwasan ang pagkahawa laban sa mas mapanganib at mas nakakahawang Delta variant.

Tinukoy ni Bishop Ongtioco ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at ang pag-iwas sa pagsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

“Kaya sana po patuloy ang ating mga ino-observe na mga protocol at saka ‘yung advice ng gobyerno. Ano ‘yun? Itong paggamit ng facemask, faceshield, paghuhugas ng kamay and then ‘yung pag-iwas sa mga gathering na hindi naman kailangang-kailangan ngayong pandemya… ‘Yan ay pinanggagalingan ng pagkahawa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ng Obispo na patuloy ang pagsunod ng Simbahan sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pagsasagawa ng mga religious gatherings ngayong panahon ng pandemya.

Ipinagpapasalamat nito ang malaking tulong ng ‘digital technology’ sa pagsasagawa ng mga Banal na Misa sa pamamagitan ng online live streaming upang patuloy na maipalaganap at maibahagi sa mga mananampalataya ang mabuting balita ng Panginoon sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.

“Hindi tayo nagkakaroon ng public gathering, ang ginagawa natin, salamat sa Diyos, may digital technology, may live streaming o online mass para maalagaan din ang pananampalataya ng mga tao at patuloy silang magkaroon ng pag-asa,” saad ni Bishop Ongtioco.

Samantala, hinihikayat naman ni Bishop Ongtioco ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 habang may pagkakataon upang maiwasan ang patuloy pang pagdami ng nahahawaan ng virus sa bansa.

Batay sa COVID-19 Tracker ng Reuters, umabot na sa mahigit 29 na milyon o 13.5-porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Habang ayon naman sa tala ng Department of Health, nasa mahigit 123-libo ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ng nahawaan ng virus sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,828 total reads

 29,828 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,868 total reads

 67,868 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 103,167 total reads

 103,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,437 total reads

 329,437 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,986 total reads

 220,986 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,259 total reads

 153,259 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top