Obispo ng Diocese of Gumaca, nagpaabot ng panalangin sa health workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Gumaca Bishop Victor Ocampo para sa mga health workers na humaharap sa iba’t ibang pagsubok dulot ng coronavirus pandemic.

Ipinagdarasal ni Bishop Ocampo na nawa’y patuloy na magkaroon nang lakas ng loob ang mga healthcare workers sa kabila ng mga usapin hinggil sa hindi maayos na pamamahagi ng benepisyo bilang kapalit ng kanilang pagsasakripisyo magmula nang lumaganap sa bansa ang pandemya.

“Nauunawaan po namin ang kanilang kalagayan na lubos na nanghihina ngayong tumataas ang bilang ng mga impeksyon ng COVID at kabawasan naman ng mga nurses na lilipat sa iba’t ibang gawain. Napilitan silang magtrabaho ng mas mahabang oras kaysa sa nararapat habang lalong nalalagay sila mismo sa panganib ng pagkahawa sa kanilang inaalagaan,” bahagi ng panalangin ni Bishop Ocampo mula sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ng Obispo na patuloy nawang gawaran ng Panginoon ang mga medical workers nang maayos na kalusugan at pangangatawan.

“Hinihingi po namin na palakasin ang kanilang pangangatawan at kalooban upang ipagpatuloy nila ang gawain ng mabuting samaritano na humarap sa panganib at pagtupad ng makataong pagtulong sa biktima,” ayon kay Bishop Ocampo.

Batay sa tala ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi), 40-porsyento ng mga medical workers mula sa mga pribadong ospital ang nagbitiw noong nakaraang taon, ngunit mas marami pa ang mga sumunod kasabay ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayong taon.

Samantala, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health na madaliin ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga frontline health workers.

Kaugnay ito sa mga reklamo ng ilang grupo ng medical workers mula sa mga pribadong ospital na hindi pa rin natatanggap ang ipinangakong special risk allowance (SRA) at ang pag-alis sa iba pang benepisyo sa gitna ng umiiral na pandemya.

Nito lamang Hunyo nang kasalakuyang taon, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Administrative Order 42 na nagsasaad ng paggawad ng SRA na nagkakahalaga ng P5,000 kada buwan para sa mga pribado at pampublikong health workers na direktang lantad sa mga pasyenteng mayroong COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 33,863 total reads

 33,863 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 71,725 total reads

 71,725 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 107,024 total reads

 107,024 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 333,294 total reads

 333,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 224,585 total reads

 224,585 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,482 total reads

 153,482 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top