Huwag iboto ang kandidatong makasarili at walang pakialam sa kalikasan, panawagan ni Bishop Pabillo sa mga taga-Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total views

Nagpahayag ng paghanga si Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa naging paninindigan ng mga taga-Palawan laban sa planong paghahati sa probinsya sa tatlo sa pamamagitan ng plebisito noong nakaraang Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Obispo, ang naging paninindigan ng mamamayan sa One Palawan ay maituturing din na paninindigan para sa kalikasan na inaasahang magiging pangunahing biktima ng paghahati sa probinsya.

“Bilib ako sa mga taga-Palawan na nagsalita kayo, at maliwanag na nagsalita, laban sa paghahati ng probinsiya ng Palawan sa tatlo. Nanindigan tayo sa One Palawan. Ito ay paninindigan sa kalikasan, kasi ang magiging biktima ng paghahati sa Palawan ay ang kalikasan natin. Sasamsamin lang ito ng mga politiko”.pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang banal na misa para sa ika-23 Linggo sa Ordinaryong Panahon.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, mahalagang maipagpatuloy ng mga taga-Palawan ang paninindigang ito para sa kapakanan ng probinsya lalo na para sa papalapit na halalan.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang bantayan ng mabuti ng bawat botante ang intensyon ng mga politiko at mga nagnanais na kumandidato para sa nakatakdang halalan kung saan maaring ding maging batayan ang naging mga posisyon ng mga ito sa nagdaang plebesito sa Palawan.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi dapat na hayaang maluklok ang mga walang tunay na paninindigan para sa kapakanan ng taumbayan at ng kalikasan na ang tanging hinahangad lamang ay ang political survival.

“Ipatuloy po natin ang ating pagsasalita. Mag-eelection na naman. Bantayan natin ang mga tatakbo sa election. Lumabas na ang kulay ng mga para sa kalikasan at ang mga laban dito o walang pagmamalasakit dito noong referendum sa One Palawan. Huwag na nating iluklok ang mga noon ay walang boses kasi natatakot sila sa mga humahawak sa kanila. Ang mga kandidato o politico na nagpapahawak ay hindi ang kapakanan ng mga tao ang nasa puso kundi ang sarili nilang political survival.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Matatandaang sa naganap na plebisito sa probinsya noong ika-13 ng Marso, 2021 ay nanaig ang botong ‘No’ o ‘Hindi’ laban sa planong paghahati sa tatlo sa probinsya at nangibabaw ang paninindigan ng mga Palaweño para sa iisang probinsya ng Palawan.

Batay sa tala ng Commission on Election may 490,369 ang bilang ng mga botante sa Palawan kung saan 244,029 o 49.76% ng mga botante sa probinsya ang nakibahagi sa naganap na plebisito

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,868 total views

 50,868 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,737 total views

 46,737 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,939 total views

 82,939 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,544 total views

 91,544 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,565 total views

 116,565 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top