Expose sa corruption ng administrasyong Duterte, itinanggi ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

Nilinaw ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na hindi sa kanya nagmula ang mga kumakalat sa social media hinggil sa usapin ng korapsyon sa pamahalaan habang umiiral ang pangkalusugang krisis sa lipunan.

Tinutukoy ng Obispo ang pahayag na may titulong “The Facemask: Symbol of corruption; downfall of Duterte” tungkol sa kontratang iginawad ng Administrasyong Duterte para sa kumpanyang Pharmally Pharmaceutical upang bumili ng mga overpriced protective gears tulad ng face masks at face shields na nagkakahalaga ng mahigit sa P8-bilyon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bagamat hindi sa kanya nagmula ang pahayag sang-ayon ito sa nais nitong iparating na mensahe sa publiko.

“May pinapaikot na ako sa viber na hindi ako ang sumulat ng article na iyon pero sumasang-ayon ako sa nilalaman niya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nabanggit din sa kumakalat na pahayag na ang ma-anomalyang transaksyon ng pamahalaan ay nagpapatunay lamang na isinasawalang bahala nito ang kapakanan ng mamamayang lubos nang naghihirap at nagdurusa dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Dagdag pa rito na maaaring ginagamit na lamang ng kasalukuyang administrasyon ang kalagayan ng bansa ngayong pandemya upang manatili sa kapangyarihan.

“They literally made a killing out of this corrupt transaction. While Filipinos are dying and more are getting sick, Duterte and his cohorts are laughing themselves all the way to possibly staying in power beyond 2022 with a huge election money to be able to buy the votes of the poor and suffering Filipinos,” bahagi ng pahayag.

Batay sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng Department of Health sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service ng overpriced na face masks at face shields, lumabas ang pangalan ng ilang personalidad na sinasabing kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ito na sina Michael Yang, dating economic adviser ng pangulo, at Lloyd Christopher Lao na dati namang undersecretary ng DBM-PS na parehong may kaugnayan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kaibigang sinasabing sangkot sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shields, ngunit sinabi rin ng pangulo na kapag napatunayang may ginawang mali sina Yang at Lao, dapat lamang itong papanagutin.

Patuloy namang naninindigan ang Simbahang Katolika na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng publiko upang matiyak na wasto at naaangkop ang mga desisyon at pagkilos ng pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 4,925 total reads

 4,925 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 29,314 total reads

 29,314 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 65,815 total reads

 65,815 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 286,437 total reads

 286,437 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 320,809 total reads

 320,809 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 97,265 total reads

 97,265 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top