Iwasang maging carrier ng COVID 19, panawagan ni Bishop Ongtioco sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang bawat mamamayan partikular na ang mga nasa National Capital Region na panatilihin ang pag-iingat kasabay ng pagpapatupad ng alert level 4 status sa buong Metro Manila bunsod ng coronavirus disease.

Ayon kay Bishop Ongtioco na mas makatutulong pa rin para sa publiko ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 upang matiyak ang proteksyon sa sakit at pangalagaan din ang ating kapwa.

“Ang alert level 4 ay tanda ng [pag-iingat] dahil mataas ang infection rate sa isang lugar. Mag-ingat tayo upang hindi maging carrier ng virus. Mahalaga ang magpabakuna. Hindi mapipigilan ang COVID pero hindi malakas ang tama sa atin kapag nabakunahan tayo. May panlaban tayo at hindi magiging malala ang tama sa atin,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng Obispo na maliban sa pagpapabakuna ay dapat ding patuloy na sundin ang mga minimum health standards tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay, at ang physical at social distancing upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

Iginiit din ni Bishop Ongtioco na mahalaga ang patuloy na pananalangin sa Panginoon upang humingi ng gabay at magsilbing lakas sa bawat pagsubok na hinaharap ng mamamayan ngayong pandemya.

“Patuloy tayo mag-observe ng mga protocol para sa kalusugan at kaligtasan natin lahat. ‘Yung pagiging malinis ang kamay at paggamit ng facemask at faceshield. Ipagpatuloy din ang pananalangin. Lumalakas tayo at maraming umasa sa Diyos at hindi sa tao,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Nagsimula na ngayong araw ang pagpapatupad ng General Community Quarantine alert level 4 status sa Metro Manila bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa rehiyon.

Papahintulutan dito ang pagsasagawa ng mga religious activities sa 30 percent seating capacity kung ito ay isasagawa sa outdoor setting, habang 10 percent seating capacity naman sa indoor setting at maaari lamang para sa mga fully vaccinated.

Batay naman sa tala, magmula nang lumaganap ang COVID-19 sa Pilipinas ay naitala na sa Metro Manila ang nasa mahigit 737,000 kaso ng mga nahawaan kung saan nasa 9,200 na ang mga nasawi habang nasa 50,000 naman ang kasalukuyang aktibong kaso.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,362 total reads

 10,362 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,752 total reads

 11,752 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,230 total reads

 25,230 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,608 total reads

 62,608 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,878 total reads

 93,878 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,501 total reads

 169,501 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,510 total reads

 262,510 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,936 total reads

 73,936 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top