Humanitarian aid sa Afghan nationals, pinuri ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa plano ng pamahalaan na magpaabot ng humanitarian aid sa mga displaced Afghan nationals.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kaisa ng pamahalaan ang kumisyon sa pagnanais na tumugon sa pangangailangan ng mamamayan ng Afghanistan na kasalukuyan na nasa ilalim ng pamamahala ng militanteng grupong Taliban.

“In the wake of a major humanitarian and displacement crisis, the Commission on Human Rights (CHR) commends the Philippine government’s commitment in opening its doors to refugees fleeing Afghanistan, and its recent pledge during the United Nation’s flash appeal to extend financial aid for humanitarian response in the now Taliban-controlled country,” pahayag ni de Guia.

Pagbabahagi ni Atty. De Guia, bahagi ng mandato ng CHR ang paninindigan sa pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat indibidwal mapa-Pilipino man o hindi.

Paliwanag ni Atty. De Guia, kaakibat ng pagbibigay halaga sa karapatang pantao ng bawat mamamayan ay ang pagkakaroon ng katiyakan sa mga pangunahing pangangailangan, kaligtasan at mga pangunahing serbisyo para sa bawat indibidwal.

“While we respect the national sovereignty of States, the CHR asserts that all human beings, within or outside their country’s borders, deserve to be treated with dignity and respect and to be assured recognition of their human rights, including access to services needed to realise those rights. This is regardless of their migratory status and in accordance with the common good and international law,” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Nagpahayag naman ng patuloy na suporta ang CHR sa ginagawang hakbang ng pamahalaan partikular na ng Department of Foreign Affairs upang patuloy na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino mula sa bansang Afghanistan.

Matatandaang una ng nanawagan si Prefect of the Congregation for the Evangelizations of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle na siya ring pangulo ng Caritas Internationalis para sa pagkakaron ng bukas na puso ng bawat isa upang lingapin ang mga higit na nangangailanan dulot ng iba’t ibang uri ng suliranin na nararanasan ng buong daigdig kasabay na rin ng patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,703 total reads

 75,703 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,006 total reads

 154,006 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,453 total reads

 187,453 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,750 total reads

 222,750 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,241 total reads

 446,241 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top