CBCP, nakikiisa sa pananalangin sa mabilis na paggaling ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Nakiisa sa panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa agarang paggaling ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.

Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles tiniyak nito ang suporta sa Cardinal habang nagpapagaling ito sa karamdaman.

“We extend our prayers of fast recovery, complete healing, and good health to Cardinal Advincula. We assure him of our closeness with him with our love, support and prayers,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Hiling din ng arsobispo sa mga kapwa pastol ng simbahan na isama sa mga banal na misa ang kagalingan ni Cardinal Advincula.

September 17 nang inanunsyo ng Archdiocese of Manila na nagpositibo sa virus si Cardinal Advincula at kasalukuyang nakaranas ng bahagyang lagnat.

Hinikayat ni Archbishop Valles ang mamamayan na ipagdasal si Cardinal Advincula upang maipagpatuloy ang paglilingkod at pagganap sa mga tungkulin sa buong arkidiyosesis.

Kamakailan, pinangunahan ng Cardinal ang misa para sa mga medical at service frontliners kung saan pinasalamatan nito ang kanilang paglilingkod sa pangangailangan ng kapwa sa gitna ng banta ng pandemya sa sariling kalusugan at pamilya.

Ipinagkatiwala naman ng CBCP sa Mahal na Birheng Maria ang lahat ng mga may karamdaman partikular na ang mahigit sa 200 milyong indibidwal na nahawaan ng virus sa buong mundo
kabilang na ang 2.2 milyon sa Pilipinas.

“We bring all our prayer to the Lord and to our Blessed Mother for an end to this pandemic, for all those who are sick, and those who care for them,” ani Archbishop Valles.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,202 total reads

 79,202 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,359 total reads

 157,359 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,807 total reads

 190,807 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,103 total reads

 226,103 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,459 total reads

 449,459 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top