Tama na ang isang rehimeng Marcos at Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 993 total reads

Ang matalinong pagpili at pagsusuri sa karakter ng isang kandidato ang aral na dapat maunawaan ng kasalukuyang henerasyon sa naranasang paniniil ng bansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

Ayon sa Obispo na isa rin sa 1987 Constitutional Framers, hindi nagtatapos sa halalan ang tungkulin ng bawat mamamayan sa bayan sa halip ay dapat na patuloy na maging mapagbantay sa paraan ng pamamahala ng mga halal na opisyal ng bansa.

Paliwanag ni Bishop Bacani, mahalaga rin ang patuloy na pananalangin ng taumbayan para sa mga opisyal ng pamahalaan upang hindi mawaglit sa kamalayan ng mga ito na ang taumbayan na kanilang pinaglilingkuran at hindi ang kanilang mga pansariling interes sa katungkulan.

“Lessons [from Martial Law] we must choose carefully our leaders, looking especially a candidate’s character. Then once we have elected our leaders we should be vigilant and pray for them making them remember that they are our servants and not our masters.” Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Radio Veritas.

 

 

Pagbabahagi pa ng Obispo, marapat na maging alisto at manindigan ang bawat isa para sa kapakanan ng bayan lalo’t saksi ang kasaysayan ng bansa sa masamang epekto sa bayan ng pagkaganid ng isang lider o opisyal sa posisyon at kapangyarihan.

Giit ni Bishop Bacani, hindi na dapat na maulit pa ang maituturing na madillim na bahagi ng kasaysayan ng bansa sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa Obispo, hindi na dapat na maulit pa ang pamumuno ni Marcos o maging ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa sapagkat mas marami pa ang karapat-dapat na magkaroon ng pagkakataon na maglingkod at mamuno sa pamahalaan.

“History shows that when people get hold of power they tend to take advantage of it for their own interests and want to stay in power as long as they can. Third, remember never again a Marcos or a Duterte. We get the government we deserve.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Taong 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimeng Marcos kung saan batay sa kasaysayan at sa tala ng Amnesty International, samu’t saring pang-aabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Filipino kabilang na ang aabot sa mahigit 34,000 na dumanas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 na nakulong at 3,240 pinaslang ng mga hindi na kilalang salarin.

Taong 1986 nang magtungo sa EDSA ang maraming Filipino sa pangunguna ng mga Pari, Madre at ilang indibidwal alinsunod na rin sa naging panawagan ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa himpilan ng Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,029 total reads

 90,029 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,334 total reads

 167,334 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,782 total reads

 200,782 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,081 total reads

 236,081 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,101 total reads

 459,101 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top