Bakuna bubble sa Diocese of Bataan, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Ibinahagi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na matagumpay na naisagawa ang unang Bakuna bubble sa Parokya sa lalawigan.

Ayon sa obispo nasa 48 indibidwal ang nabakunahan sa St. Nicolas of Tolentino Parish sa Mariveles Bataan noong September 18 nang unang ilunsad ang proyekto bilang pakikiisa ng simbahan sa vaccination roll out ng pamahalaan.

Unang itinalaga ng simbahan sa Mariveles ang pagbabakuna tuwing Sabado alas singko ng hapon pagkatapos ng Banal na Misa sa alas kuwatro.

“This is our call for our parishioners “Magsimba, Magpabakuna. Maging ligtas at Makapagligtas,” muling panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan.

Bukod sa San Nicolas Tolentino, nagbukas din ang parokya ng Santa Gemma Galgani sa Mariveles para sa pagbabakuna sa kanilang parokya sa pangunguna ni Fr. Jhoen Buenaventura.

Patuloy pa rin ang pakikipag-uganayan ng diyosesis sa mga lokal na pamahalaan bilang suporta ng simbahan sa kampanyang wakasan ang paglaganap ng nakahahawang virus sa pamayanan.

“As we are waiting for consent and collaboration with our local LGU, the parishes in the towns of Orani (3) and Morong (2) are willing and ready,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Pinaigting din ng lalawigan ang Vax on Wheels kung saan umiikot sa mga barangay ang sasakyan ng provincial health office upang bakunahan ang mamamayan sa mga itinalagang lugar.

Sa tala ng provincial health office nasa halos apat na libo ang aktibong COVID-19 cases sa lalawigan mula sa kabuuang 24, 000 kaso.

Samantala halos kalahating milyong mamamayan naman sa Bataan ang tumanggap ng bakuna kung saan halos 200 libo rito ay fully vaccinated na.

Tiniyak ni Bishop Santos ang pakikipagtulungan sa pamahalaan upang pangalagaan ang kaligtasang pangkalusugan ng mananampalataya ng diyosesis.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,019 total reads

 14,019 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,101 total reads

 15,101 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,541 total reads

 30,541 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,918 total reads

 67,918 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,188 total reads

 99,188 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,488 total reads

 174,488 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,239 total reads

 267,239 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,021 total reads

 14,021 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top