Bahagi ng pananampalataya ng mga Kristiyano’t Katoliko ang pakikilahok at pakikisangkot sa usapin ng pulitika sa bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,339 total views

Ito ang nilinaw ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa inorganisa ng Council of the Laity ng diyosesis na National Laity Week Conference on Social Transformation through Civil and Political Involvement bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Laity Week ngayong taon.

Ayon sa Obispo na siya ring incoming president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hindi dapat umiwas ang mga layko sa pagkakaroon ng political involvement sapagkat bahagi ito ng buhay panlipunan ng bawat isa na kaakibat rin ng pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan.

Paliwanag ni Bishop David, hindi dapat ituring na masama ang pulitika sapagkat tanging ang ilang mga sakim na pulitiko lamang ang sumisira sa tunay na diwa nito na dapat na pagtutok at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng common good o mas nakararami.

“Bahagi ng ating pananampalataya ang pulitika and I am glad ngayon ay hayagan na nating ini-encourage talaga ang political involvement, mali na umiwas sa usaping pulitika dahil bahagi ito ng ating buhay panlipunan, kung meron tayong malasakit sa ating bayan. We should never equate politics with bad politics kasi kapag ganyan ang attitude natin aba talaga magdi-deteriorate ang pulitika ng ating bansa kaya tayo nagiging involve precisely because gusto nating itaguyod ang good politics or the politics of the common good.”pahayag
ni Bishop David.

Pagbabahagi ng Obispo, naaangkop na pagnilayan ng bawat layko ang kahalagahan ng boto na maituturing na tulad ng panata ng bawat mananampalataya para sa bayan na nasasaad sa titulo ng naganap na online conference na “Ang mga Panata Bilang Pamukaw ng Diwa ng Kristiyanong Pilipino: Mga Gabay sa Darating na Halalan 2022”.

Iginiit ni Bishop David na ang boto ay dapat na ituring ng mga layko na panata o debosyon para sa bayan na nangangahulugan ng pagiging tapat at pag-ibig hindi lamang para sa Diyos at para sa bayan kundi maging para sa kalikasan at sa kapwa.

“Ang boto ay panata at ang panata para sa Pilipino ay debosyon at ang debosyon ang ibig sabihin nito ay pag-ibig diba kaya devoted to you, ibig sabihin gawin itong pahayag ng pag-ibig, pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, malasakit sa kalikasan, malasakit sa ating kapwa kasi ang problemang nakikita ko ay kung mayroong tamang panata, mayroon ding maling panata.” Dagdag pa ni Bishop David.

Sa kabila nito, nilinaw ng Obispo na dapat na maging mapanuri ang bawat isa sa pagkilatis ng tamang pamamanata upang hindi malinlang sa pamamanata sa mga kampon ni satanas na mapagpangap at mapaglinlang.

Paalala ni Bishop David, “mag-ingat tayo hindi bawat panata ay tama, mayroon ding mga maling panata, mayroon ding mga namamanata sa mga kampon ni satanas pakatandaan po ninyo yun mga panatiko sila, mga namamanata sa mga kampon ni satanas minsan mas panatiko pa nga sila, bukambibig din nila the same values tatawagin din nila ang sarili nila na maka-Diyos, maka-bayan, maka-kalikasan, maka-tao pero kailangang kilatisin dahil mapagpanggap si satanas.”

Tema ng pagdiriwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa National Laity Week ngayong taon ang “Celebrate as One in 2021: The Gift of Christianity, the Gift of Mission, the Gift of Unity”.

Layunin nito na pukawin ang aktibong partisipasyon ng mga layko sa mga usaping panlipunan kasabay ng patuloy na paggunita ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 85,612 total views

 85,612 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 115,835 total views

 115,835 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 142,484 total views

 142,484 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 237,457 total views

 237,457 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 252,843 total views

 252,843 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top