19 seminarista at tauhan ng Ateneo de Manila University, nagpositibo sa COVID-19 at Retirement House sa Divine Word Mission Seminary, isinailalim sa lockdown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 923 total reads

Umabot sa 19 na seminarista at mga tauhan ng Ateneo de Manila University ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito’y ayon kay Veritas Pilipinas anchor at executive director ng Jesuit Communications, Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, SJ, kasunod ng utos ng Quezon City Government na isailalim sa lockdown ang pamantasan.

“Four (4) houses ‘yun. In all about 19 positive, mostly seminarians and staff,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso sa panayam ng Radio Veritas.

Partikular na isinailalim sa lockdown ang San Jose Seminary, Loyola House of Studies, Arrupe International House, at ang Jesuit Health and Wellness Center.

Paliwanag ni Fr. Alfonso na sa nasabing bilang ng mga nag-positibo, isang pari ang dinala sa ospital upang mabigyang lunas habang ang natitira naman ay mga walang sintomas o asymptomatic.

“One priest is in hospital but the rest are asymptomatic,” saad ni Fr. Alfonso.

Humihiling naman ng panalangin ang pamantasan para sa kagalingan at kaligtasan laban sa COVID-19.

Samantala, patuloy ding humihiling ng panalangin ang mga naapektuhan ng COVID-19 sa Divine Word Mission Seminary o kilala rin bilang Christ the King Mission Seminary partikular na sa Villa Cristo Rey Retirement House.

Nilinaw ni Fr. Manuel “Bong” Bongayan, SVD, Assistant to the President and Corporate Secretary ng Radio Veritas na ang retirement house lamang ang naapektuhan ng COVID-19 sa loob ng seminary compound.

Dagdag pa ni Fr. Bongayan na bagamat mga nag-positibo sa COVID-19, karamihan sa mga retiradong pari at caregivers ay asymptomatic habang nakakaranas lamang ng mild symptoms ang iba pa dahil kumpleto naman ang mga ito sa bakuna laban sa virus.

“Ang Christ the King Seminary ay hindi naman naka-lockdown. ‘Yung Villa Cristo Rey Retirement House ang naka-lockdown. Sa retirement house ako nakatira. Quarantine lang kami kasi lahat naman ay vaccinated,” ayon kay Fr. Bongayan sa panayam ng himpilan.

Gayundin, sinabi naman ni Fr. Benigno Beltran, SVD, Associate priest ng Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word na taliwas sa mga naunang balita ay ligtas naman mula sa epekto ng COVID-19 ang nalalabing bahagi ng seminary compound.

“Exaggerated ang mga news. Only the retirement home has COVID-19 positive residents. The rest is okay,” saad ni Fr. Beltran.

Ang Christ the King Seminary compound ay binubuo ng mismong seminaryo nito; ang Villa Cristo Rey Retirement House na ngayo’y naka-lockdown; ang Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word; at ang SVD Mission House.

Nauna nang nilinaw ng pamunuan ng Divine Word Mission Seminary sa pamamagitan ng pahayag na hindi apektado ng virus ang buong seminaryo, kundi ang retirement house lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,202 total reads

 80,202 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,310 total reads

 158,310 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,758 total reads

 191,758 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,054 total reads

 227,054 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,388 total reads

 450,388 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,812 total reads

 157,812 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top