4K na pamilya sa Archdiocese of Cotabato at Diocese ng Marbel, tumanggap ng GC mula sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Apat na libong piraso ng gift certificates na nagkakahalaga ng 4-milyong piso ang naipamahagi na ng Archdiocese of Cotabato at Diocese of Marbel sa Mindanao sa tulong ng Caritas Manila at Accenture Philippines.

Ang mga nasabing gift certificates ay ipinagkaloob sa mga napiling mahihirap na pamilya sa nasasakupan ng dalawang nasabing Diyosesis sa pamamagitan ng Oblates of Notre Dame Hesed Foundation Inc (OND Hesed) ang isa sa mga katuwang ng Caritas Manila sa scholarship program nito sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Sr. Joanne Lorillo, Executive Director ng OND Hesed, sila ay nagagalak sa tulong na ibinahagi ng Caritas Manila at Accenture Philippines para maabot ang mga mahihirap sa North at South Cotabato.

Ibinahagi ni Sister Lorillo na ang mga napagkalooban nito ay hindi lamang mga mananampalatayang katoliko kundi maging ang mga muslim na naninirahan sa nasabing mga probinsya.

Ipinaliwanag ni Sr. Joanne na pagpapatunay lamang ito na ang pagtulong ng Simbahang Katolika ay walang pinipili lalo na’t kapwa mayroon pangangailangan ang mga mahihirap na residente.

“Dito po sa pagbigay natin ng ayuda hindi po kami namimili. Dahil nga nandito kami sa lugar o pook na kasama natin ang mga Muslim nating kababayan, kasama at na identify din sila ng mga taga simbahan [Katolika] yun ang nakakatuwa kasi hindi lang ito sa katoliko nag-benepisyo kundi yun lahat ng nakita natin na nangangailangan.” Pahayag ni Sr. Joanne sa panayam ng Radyo Veritas.

Aminado ang Madre na labis ang galak ng mga nakatanggap ng tulong lalo na’t marami sa mga lugar kung saan sila namigay ng ayuda ay hindi agad naabot ng tulong maging ng pamahalaan.

“Yun mga areas napakalayo kasi sila talaga, yun hindi naabot ng tulong ng kahit sa Barangay pinilit natin maabot yun sa tulong ng ating mga parokya at ng ating Social Action Center. Pinuntahan natin yun at doon inabot natin yun GC’s ng ma-received nila ay kinuha na din natin ang mga tao at nagprovide ang Archdiocese ng sasakyan para sila mismo ang mamili gamit ang kanilang mga GC.” pahayag ng Madre

Inihayag ni Sr. Joanne na dahil malayo ang grocery sa tahanan ng mga residente ay tinulungan sila ng Arkidiyosesis na magkaroon ng sasakyan papunta at pauwi galing sa pamilihan.

Ito aniya ang dahilan kaya’t mas napakinabanggan ng mga residente ang gift certificates at nakapamili ng ayon sa kanilang pangangailangan.

Magugunitang nasa 28 Diyosesis o lugar sa Pilipinas ang nakatanggap ng mga gift certificates mula sa Caritas Manila at Accenture Philippines.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority sa SOCCSARGEN Region, umaabot sa 22.8 percent ang poverty incidence sa region 12 kung saan napapabilang dito ang lalawigan ng Cotabato.(

Ang mga pamilya na napili sa GC Ayuda Project ng Caritas Manila ay ang mga napapabilang sa tinatawag na ‘ultra poor families’ o kumikita lamang ng mababa pa sa 10 libong piso kada buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,918 total reads

 57,918 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,110 total reads

 137,110 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,555 total reads

 170,555 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,853 total reads

 205,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,034 total reads

 430,034 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,837 total reads

 111,837 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top