Pagbabalik sa Malakanyang ng pamilya Marcos at Duterte, ikinababahala ng PCPR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Nagpahayag ng pagkabahala ang Promotion of Church People’s Response,isa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan sa posibilidad na muling makabalik sa kapangyarihan ang mga Duterte o Marcos partikular na sa Malacanang.

Dahil dito, binigyang diin ng mga grupo ang pagsusulong sa orihinal na misyon at layunin ng 1Sambayan na pagbuklurin ang mga tunay na oposisyon para sa nakatakdang halalan.

Ayon sa Promotion of Church People’s Response, mahalaga ring patuloy na maimulat ang kamalayan ng mga botante upang hindi na muling makabalik sa posisyon sa pamahalaan maging ang mga kaalyado sa pulitika ng pamilya Duterte at Marcos na kapwa malaking banta sa demokrasya at kaayusan ng bansa.

“We, member organizations of 1Sambayan, believe that the looming possibility of the perpetuation of Duterte’s incompetent and tyrannical rule, and the return to power of the Marcos dynasty, pose on 1Sambayan the responsibility to continue with its original mission of unifying non-administration candidates into a single slate, mobilizing the broadest range of forces, and inspiring voters to defeat the Duterte and Marcos candidates in 2022.” pahayag ng mga kasaping miyembro ng 1Sambayan.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga kasaping grupo ng 1Sambayan kaugnay sa pagpili at pag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahayag ng intensyon.

Bahagi ng pagkabahala ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan ay ang maisantabi ang tunay na layunin ng kuwalisyon na mapag-isa ang lahat para sa kinabukasan ng bansa.

“It is in this spirit that we express serious concern that the selection and endorsement by 1Sambayan of any presidential candidate at this time is premature and will hinder rather than help in attaining this primary objective.” Dagdag pa ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan.

Paliwanag ng grupo, mas naaangkop na magdesisyon ang 1Sambayan sa kung sino ang kandidato na iendorso matapos ang paghahain ng kandidatura upang higit na magkaroon ng mas malinaw na pagsusuri sa mga dapat na gawing hakbang upang maisakatuparan ang misyon ng kuwalisyon.

Sa ganitong paraan ayon sa Promotion of Church People’s Response at sa iba pang mga grupo ay mas mabibiyan rin ng pagkakataon si Vice President Robredo ng gampanan ang kanyang kasalukuyang tungkulin bilang bise presidente at lider ng oposisyon na mapagkaisa ang lahat laban sa banta ng pagbabalik ng mga Duterte at Marcos sa posisyon at kapangyarihan.

“We had expressed on occasion that it would be best for 1Sambayan to make a decision on the endorsement after the period of filing of certificates of candidacy. By then we would have a clearer picture of who are running. This would also allow all unification efforts, including VP Robredo’s, to proceed unhampered.” Ayon pa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan.

Layunin ng 1Sambayan na maisulong ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga grupo at sektor upang manindigan kung sino ang mga nararapat na mga opisyal na makabubuti para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,493 total views

 84,493 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,716 total views

 114,716 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,365 total views

 141,365 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,338 total views

 236,338 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,797 total views

 251,797 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top