Mga layko, tagapagpalaganap sa liwanag ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total views

Nasasaad sa Canon Law o sa batas ng Simbahan ang pambihirang tungkuling dapat na gampanan ng mga layko bilang tagapagpalaganap ng liwanag ni Hesus sa sanlibutan.

Ito ang binigyang diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa naganap na ‘Responsible Christian Citizenship’ Webinar na inorganisa ng Couples for Christ.

Ayon sa Obispo na siya ring Spiritual Adviser ng Couples for Christ, bahagi ng tungkulin ng mga binyagan na dalhin ang liwanag at mga turo ni Kristo sa lahat ng aspekto ng kanilang buhay bilang tunay na saksi salita ng Diyos.

“Nakalagay din sa Canon Law, yang Canon Law yan ang batas ng Simbahan ang Canon225 Paragraph 2 na ‘Lay people have, according to each one’s own condition, they are also bound by a particular duty to imbue and perfect the order of temporal affairs with the spirit of the gospel and thus to give witness to Christ, especially in carrying out these same affairs and in exercising secular functions.’ Inuulit uli sa batas ng Simbahan ang special na tungkulin ng mga lay faithful na dalhin ang liwanag ni Kristo kung nasaan sila sa kanilang secular business, sa kanilang mga gawain.”pahayag Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na ang mga layko ang naatasan sa pambihirang tungkulin na aktuwal at ganap na ibahagi ang mga Salita ng Diyos sa lipunan dahil sa pagiging lantad sa ‘secular world’.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, “Kasi sila ang engaged sa secular world, sa temporal sphere ang kanila ng trabaho ay nasa pabrika, nasa opisina, nasa schools, nasa business, sila yung nasa pulitika, sila yung nasa pamilya kaya dooon dapat nila dalhin ang Mabuting Balita kung nasaan sila kaya yan yung special obligation of the lay faithful, kaya sila ay Kristiyano hindi lang sa loob ng Simbahan, hindi lang kapag sila ay gumagawa ng mala-Simbahang gawain ngunit sa kanilang pang-araw-araw na gawain sila ay Kristiyano rin at dalhin nila ang pananampalataya kay Kristo sa mga gawaing ito so yan po yung hinihiling sa atin.”

Layunin ng ‘Responsible Christian Citizenship’ Webinar na inorganisa ng Couples for Christ na higit na mamulat ang kamalayan ng bawat mamamayan na kaakibat ng pagiging isang mabuting Kristiyano’t Katoliko ang pagiging isang mabuting miyembro ng komunidad na mayroong paninindigan para sa ikabubuti ng mas nakararami.

Ang naganap na talakayan ay bahagi rin ng paghahanda ng organisasyon para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon kung saan una na ding binigyang diin ni Bishop Pabillo ang dapat na matalino at maka-Diyos na pakikilahok sa halalan ng bawat mamamayang Pilipino o pagpapairal ng One Godly Vote para sa kinabukasan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,533 total views

 84,533 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,756 total views

 114,756 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,405 total views

 141,405 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,378 total views

 236,378 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,833 total views

 251,833 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top