40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,109 total reads

Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa Nobyembre 14, kasabay naman ng paggunita sa World Day of Prayer for the Poor.

“We encourage our Kapanaligs to join us in daily prayer to prepare this journey for our Common Home,” paanyaya ni LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ng apatnapung araw na pananalangin na suportahan ang pitong sektor ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo at ang mga nasa religious orders.

Ito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad na kabilang sa LSAP para sa pagiging mga mabuting katiwala ng ating inang kalikasan upang matagumpay namang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals:

– Response to the cry of the earth;
– Response to the cry of the poor;
– Ecological economics;
– Adoption of simple lifestyles;
– Ecological education;
– Ecological spirituality; and
– Community engagement and participatory action

“From our families, parishes and dioceses, schools, healthcare community, economic sector, organizations and groups, and religious orders and missions, as stewards we shall act together to achieve the goals of Laudato Si’. Let us thank God for the gift of creation we ought to care, restore and regenerate,” ayon kay Galicha.

Dito’y mayroon ding nakalaang mga araw ng panalangin sa bawat sektor ng LSAP na nag-uugnay sa Laudato Si’ Goals.

Ang 40-day prayer campaign ay pangungunahan ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development katuwang naman ang LLS Philippines.

Magugunita sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinikayat nito ang bawat mamamayan na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat komunidad para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,138 total reads

 88,138 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 165,659 total reads

 165,659 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 199,107 total reads

 199,107 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,405 total reads

 234,405 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,483 total reads

 457,483 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,055 total reads

 158,055 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top