Ika-68 anibersaryo, ipagdiriwang ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Ipagdiriwang ng Caritas Manila ang ika-68 anibersaryo bukas ika-8 ng Oktubre taong 2021 na matutunghayan sa pamamagitan ng mga online platform tulad ng Facebook.

Magsisimula ang programa sa pagdiriwang ng banal na misa sa pangunguna ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ganap na alas-nuwebe ng umaga sa compound ng Caritas Manila sa Pandacan Manila.

Magiging bahagi din ng pagdiriwang ang Commission on Social Service and Development ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ni Rev. Fr. Erik Adoviso habang magbibigay ng pagkilala ang Caritas Manila sa mga lingkod at volunteers nito na naging parte sa tagumpay ng institusyon.

Parte din ng programa ang pagbabahagi ng kaalaman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa ‘Social Mission of the Church in the Celebration of the 500 years of Christianity’ habang si Bro. Clifford Sorita isang Sociologist at Chief Strategist ng Radyo Veritas ay tatalakay naman sa kahalagahan ng Kooperatiba.

Inaanyayahan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng social arm ng Archdiocese of Manila na naging masigasig sa pagsasagawa ng mga program na naglalayong makatulong sa mahihirap sa gitna man ng pandemya.

Magugunitang noong taong 2020 kasabay ng pagpapatupad ng mga quarantine measure sa Pilipinas ay nakipag-tulungan ang Caritas Manila sa iba’t-ibang pribadong grupo para makatulong sa may 1.3 milyong Pamiya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gift certificates sa Mega Manila.

Ngayong taong 2021 ay naging abala naman ang Caritas Manila sa pagbibigay ng ayuda na aabot sa 200 milyong piso sa tulong ng isang pribadong organisasyon habang nagpapatuloy din ang scholarship program nito sa may limang libong mag-aaral sa buong bansa.

Ang Caritas Manila ay itinayo noong Oktubre taong 1953 sa pmamagitan ng noo’y Arsobispo ng Maynila Cardinal Rufino Santos at pinangalanan itong Catholic Charities.

Sa kasalukuyan ay nakatuon ang mga programa ng Caritas Manila sa Disaster Response, Health and Crisis assistance, Malnutrition and Hunger alleviation, Educational Scholarship, Restorative Justice, Livelihood at maging ang Plant Based Program.

Mapapanood ang Anniversary Special ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Facebook page nito na @CaritasManila at sa @Veritas846.ph.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,840 total reads

 64,840 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,666 total reads

 143,666 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,111 total reads

 177,111 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,410 total reads

 212,410 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,292 total reads

 436,292 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,876 total reads

 111,876 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top