Kabataan, binalaan ng 1Sambayan sa panloloko ng pamilya Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total views

Bahagi ng pagiging tunay na Kristiyano ang pagiging isang mabuting mamamayan na mayroong malasakit sa bayan.

Ito ang binigyang diin ng dalawa sa convenor ng 1Sambayan na pambansang koalisyon na binuo para sa 2022 National and Local Elections.

ayon kay Brother Armin Luistro, FSC – Provincial Superior ng De La Salle Brothers in East Asia, ang pinaniniwalaan ng mga mananamapalataya sa Simbahan ay dapat din na ganap na napapangatawanan sa lipunan.

Binigyang diin naman ni Jesuit Priest Fr. Albert Alejo, SJ na hindi maaring maging tahimik ang Simbahan sa mga maling nagaganap sa lipunan upang maitama ito at mapalaya mula sa mga kaguluhan at anumang banta ng karahasan.

Sa ganitong konteksto ay mariing umapela sa mga kabataan ang 1Sambayan na huwag magpalinlang sa mga kasinungalingan at pagbabago ng kasaysayan na isinusulong ng anak ng dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos.

Ayon sa 1Sambayan, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pagtatangka ni Bongbong Marcos at ng pamilya Marcos na baguhin o baligtarin ang kasaysayan ng bansa sa ilalim ng mahigit 21-taong pamumuno ng rehimeng Marcos na itunuturing na madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Giit ng 1Sambayan, dapat na iwaksi ng mga kabataan ang anumang pagtatangkang baliktarin ang madugong nakaraan ng bansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.

“Nananawagan kami sa kabataan ngayon, yung mga sobrang bata pa para maalala ang nangyari o yung mga hindi pa pinanganganak noong Marcos era, na iwaksi ang anumang pagtatangkang baligtarin ang ating masalimuot at madugong nakaraan, lalo na yung mga panahong tayo ay lumaban para maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Wag na wag kayong paloloko sa mga trolls na puro kasinungalingan ang pinapakalat, para hindi maulit sa panahon niyo ang nangyari noon.” panawagan ng 1Sambayan.

Partikular na tinukoy ng 1Sambayan ang paggamit ng internet trolls sa social media upang baliktarin at pagandahin ang imahen ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos na isang kabalintunaan sa naranasang malawakang karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

“Kami sa 1SAMBAYAN ay mariing kinakastigo si Bongbong Marcos sa kanyang pagtatangkang baguhin ang kasaysayan at baligtarin ang mga nangyari sa ilalim ng mahigit 21-taong pamumuno ng diktador nyang ama gamit ang bayan na internet trolls sa social media.” Dagdag pa ng 1Sambayan.

Samantala, nanawagan rin ang 1Sambayan sa Department of Education upang bumuo ng isang komite na babalangkas kung paano maisasama sa mga libro ng kasaysayan ng bansa ang mga totoong nangyari sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Matatandaang taong 1986 nang magtungo sa kahabaan ng EDSA ang maraming Pilipino sa pangunguna ng mga Pari, Madre at ilang indibidwal alinsunod na rin sa naging panawagan ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa himpilan ng Radyo Veritas upang manindigan para sa demokrasya ng bansa laban sa paniniil at mga pang-aabuso ng rehimeng Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,042 total views

 84,042 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,265 total views

 114,265 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 140,915 total views

 140,915 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 235,888 total views

 235,888 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,383 total views

 251,383 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top