Gamitin ang social media sa kabutihan ng 2022 elections.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total reads

Ang internet at social media ay isang instrumento na maaring magamit sa kabutihan o kasamaan.

Ito ang paalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mahalagang papel ng internet at social media sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. – chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Communications, maging ang mga Kristiyano’t Katoliko ay kinakailangan ring higit na maging maingat at matalino sa pagamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.

“Muli ang Social Media ay isang instrumento na maaaring gamitin sa kabutihan o sa kasamaan. At kahit tayong mga mananampalataya ay hindi exempt dito kung tayo ay hindi mag-iingat sa paggamit nito lalo na ngayong panahon ng halalan.” Ang bahagi ng pahayag ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Maralit mahalaga rin ang fact-checking upang maiwasan na mabiktima o maging daluyan ng fake news sa iba’t ibang social media platforms.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi dapat agad na tanggapin o ibahagi ang anumang mga impormasyon na nababasa lalo na kung hindi kilala o kaduda-duda ang pinagmumulan ng mga impormasyon.

“Para hindi kayo mabiktima ng Fake News, always make it as a rule na mag-Fact Checking. Huwag kaagarang tatanggapin ang nababasa lalo na kung ito ay mula sa mga sources na hindi kilala at kaduda-duda.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Nagbahagi naman ng limang paraan si Bishop Maralit upang magsilbing gabay ng bawat isa sa tama at naangkop na paggamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.

May ilang bagay na sana ay gawin muna bago gumamit o ipost sa Social Media:
1. Ang ilalagay mo ba o ipopost ay ipinagdasal mo muna?
2. Pinag-isipan mo ba muna iyan? O nadadala ka lamang ng emosyon?
3. Kung hindi iyo ang ipopost mo, Inalam mo ba muna kung Totoo ang sinasabi nito?
4. May mabuti ba talagang makukuha ang makababasa nito?
5. Sinusunod mo ba ang utos ng Panginoon- “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili?”

Giit ng Obispo, mahalaga ang ganap na pagsusuri at pagninilay maging sa paggamit ng social media upang hindi ito maging daluyan ng kasinungalingan o mga maling impormasyon.

Matatandaang una nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon.

Sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social nangunguna ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minute kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa kung saan malaking porsyento nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magbahagi ng mga impormasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,722 total reads

 67,722 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,423 total reads

 146,423 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,870 total reads

 179,870 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,167 total reads

 215,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,914 total reads

 438,914 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top