Kabataan, binalaan ng 1Sambayan sa panloloko ng pamilya Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Bahagi ng pagiging tunay na Kristiyano ang pagiging isang mabuting mamamayan na mayroong malasakit sa bayan.

Ito ang binigyang diin ng dalawa sa convenor ng 1Sambayan na pambansang koalisyon na binuo para sa 2022 National and Local Elections.

ayon kay Brother Armin Luistro, FSC – Provincial Superior ng De La Salle Brothers in East Asia, ang pinaniniwalaan ng mga mananamapalataya sa Simbahan ay dapat din na ganap na napapangatawanan sa lipunan.

Binigyang diin naman ni Jesuit Priest Fr. Albert Alejo, SJ na hindi maaring maging tahimik ang Simbahan sa mga maling nagaganap sa lipunan upang maitama ito at mapalaya mula sa mga kaguluhan at anumang banta ng karahasan.

Sa ganitong konteksto ay mariing umapela sa mga kabataan ang 1Sambayan na huwag magpalinlang sa mga kasinungalingan at pagbabago ng kasaysayan na isinusulong ng anak ng dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos.

Ayon sa 1Sambayan, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pagtatangka ni Bongbong Marcos at ng pamilya Marcos na baguhin o baligtarin ang kasaysayan ng bansa sa ilalim ng mahigit 21-taong pamumuno ng rehimeng Marcos na itunuturing na madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Giit ng 1Sambayan, dapat na iwaksi ng mga kabataan ang anumang pagtatangkang baliktarin ang madugong nakaraan ng bansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.

“Nananawagan kami sa kabataan ngayon, yung mga sobrang bata pa para maalala ang nangyari o yung mga hindi pa pinanganganak noong Marcos era, na iwaksi ang anumang pagtatangkang baligtarin ang ating masalimuot at madugong nakaraan, lalo na yung mga panahong tayo ay lumaban para maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Wag na wag kayong paloloko sa mga trolls na puro kasinungalingan ang pinapakalat, para hindi maulit sa panahon niyo ang nangyari noon.” panawagan ng 1Sambayan.

Partikular na tinukoy ng 1Sambayan ang paggamit ng internet trolls sa social media upang baliktarin at pagandahin ang imahen ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos na isang kabalintunaan sa naranasang malawakang karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

“Kami sa 1SAMBAYAN ay mariing kinakastigo si Bongbong Marcos sa kanyang pagtatangkang baguhin ang kasaysayan at baligtarin ang mga nangyari sa ilalim ng mahigit 21-taong pamumuno ng diktador nyang ama gamit ang bayan na internet trolls sa social media.” Dagdag pa ng 1Sambayan.

Samantala, nanawagan rin ang 1Sambayan sa Department of Education upang bumuo ng isang komite na babalangkas kung paano maisasama sa mga libro ng kasaysayan ng bansa ang mga totoong nangyari sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Matatandaang taong 1986 nang magtungo sa kahabaan ng EDSA ang maraming Pilipino sa pangunguna ng mga Pari, Madre at ilang indibidwal alinsunod na rin sa naging panawagan ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa himpilan ng Radyo Veritas upang manindigan para sa demokrasya ng bansa laban sa paniniil at mga pang-aabuso ng rehimeng Marcos.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,821 total reads

 2,821 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,748 total reads

 4,748 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,135 total reads

 13,135 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,513 total reads

 50,513 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,784 total reads

 81,784 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,470 total reads

 158,470 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,079 total reads

 252,079 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,079 total reads

 24,079 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top