European Union, nagpaabot ng pagbati kay Maria Ressa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang European Union (EU) sa pagkakaroon ng kauna-unang Nobel Peace Prize winner ng Pilipinas sa katauhan ni Maria Ressa na isang kilalang Filipina journalist.

Ayon sa pamunuan ng European Union (EU) naaangkop lamang ang pagkilala ng prestihiyosong Nobel Peace Prize mula sa Norway kay Ressa at Dmitry Muratov ng Russia na kapwa nanindigan para sa pagsusulong at pagbabantay ng “freedom of expression” sa Pilipinas at sa Russia.

Pagbabahagi ng EU mahalaga ang paninindigan at pagbibigay proteksyon sa “freedom of expression” na isang mahalagang salik para sa pagkakaroon ng ganap na demokrasya at kapayapaan hindi lamang sa bawat bansa kundi sa buong daigdig.

“The European Union welcomes the decision to award the Nobel Peace Prize to Maria Ressa and Dmitry Muratov for their efforts to safeguard freedom of expression and congratulate them wholeheartedly. We fully subscribe to the Nobel Committee’s acknowledgment that freedom of expression is a precondition for democracy and lasting peace worldwide,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng European Union (EU).

Partikular namang binigyang pagkilala ng European Union (EU) ang determinasyon at pagpupursige ni Ressa na maisulong ang katotohanan at kalayaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng independent journalism sa kabila ng anumang banta ng paniniil sa kanyang kalayaan bilang isang mamamahayag.

Paliwanag ng EU, ang paninindigan at dedikasyon ni Ressa sa kanyang tungkulin bilang mamamahayag ay maituturing na isang halimbawa at binhi ng pag-asa hindi lamang para sa Pilipinas o sa Timog-Silangang Asya kundi maging sa buong daigdig.

“Maria Ressa has not shied away to demonstrate her commitment to facts as the basis for truth and trust in a democracy. Her dedication to journalism, in the face of numerous ongoing legal actions and her conviction, is an inspiration to all who believe in the importance of free and independent journalism. Her work offers hope not only to the people in the Philippines, but across South-East Asia and the world,” dagdag pa ng European Union.

Si Ressa na dating CNN bureau chief at isa sa mga nagtatag ng online news site na Rappler ay naharap sa iba’t ibang mga kaso na hinihinalang may kaugnayan sa pagiging kilalang kritiko nito sa administrasyong Duterte.

Ang prestihiyosong Nobel Peace Prize ay mayroon ring kalakip na gold medal at cash prize na 10 million Swedish kronor na katumbas ng mahigit sa $1.44 milyon dolyar.

Nagmula ang prize money sa pamana na iniwan ni Swedish inventor Alfred Nobel na siyang ng nagtatag sa prestihiyosong Nobel Peace Prize na namatay noong 1896.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,228 total reads

 77,228 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,466 total reads

 155,466 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,913 total reads

 188,913 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,210 total reads

 224,210 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,652 total reads

 447,652 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top