Pansariling interes ng mga lingkod-bayan, pinuna ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang bawat isa na magkaroon ng pagsusuri sa sarili hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang isang pamilya at komunidad.

Sa pagninilay ng Cardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino, binigyang-diin nito na mahalaga ang pagsusuri sa sarili upang ganap na maunawaan kung ano ang dapat bigyang prayoridad upang makarating sa nais na patutunguhan.

Ioinaliwanag ni Cardinal Tagle ang pagkakaroon ng magulong prayoridad ay isang dahilan upang mawala sa direksyon sa buhay ang isang indibidwal.

“Let us again engage in some sort of examination of self as individuals, as families, and as communities. Do we know where we are going and because we know where we are going, where we want to go, we set our priorities, we know what is important and what is not important. Kapag magkagulo-gulo na yung kung ano ba ang mahalaga o hindi mahalaga palatandaan yan na hindi alam nung tao kung saan siya pupunta o kung ano ang gusto niyang puntahan,” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang mga lingkod bayan na mas higit na binibigyang prayoridad ang pansariling interes sa salapi at kapangyarihan na kaya nanaig ang katiwalian sa pamahalaan.

Pinuna rin ng Cardinal ang mga mag-aaral na sa halip na gamitin sa pag-aaral ang makabagong teknolohiya tulad ng mga gadget at internet ay ginagamit lamang ito sa paglalaro na nagdudulot ng pagkawala ng prayoridad ng mga ito sa pag-aaral.

“Minsan ang hinihingi natin o kinukuha natin wala naman talagang masyadong kinalaman doon sa direksyon sa buhay. You are a public servant that’s your goal so look for wisdom to govern not to use the position for riches, that’s not governance that’s corruption. You are a student, your goal is to study, you’ve been given a computer to help you study not to spend the whole day and night with video games, you will lose your way,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Cardinal na hindi dapat balewalain ng sinuman ang Salita ng Diyos sapagkat sa pamamagitan nito ay higit na mauunawaan ang plano ng Panginoon para sa buhay ng bawat isa.

“Huwag nating babalewalain ang Salita ng Diyos kung gusto nating makilala ang ating sarili, ang Salita ng Diyos ang magpapakilala sa atin kung pakikinggan natin at tatanggapin natin ng taus sa puso ang Salita ng Diyos mas makikilala natin ang ating sarili at ibabalik tayo ng Salita ng Diyos sa ating tunay na direksyon,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,836 total reads

 2,836 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,760 total reads

 4,760 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,146 total reads

 13,146 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,524 total reads

 50,524 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,795 total reads

 81,795 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,481 total reads

 158,481 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,090 total reads

 252,090 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,082 total reads

 24,082 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top