14 na parokya ng Archdiocese of Tuguegarao, naapektuhan ng bagyong Maring. Luzon Bishops, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total views

Ilang mga lugar sa hilaga at kanluran ng Archdiocese of Tuguegarao ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay Rev. Fr. Andy Semana, Social Action Director ng Arkidiyosesis, tinatayang nasa 14 na Parokya ang napinsala ng bagyo bagamat hinihintay pa nila ang mga datos mula mismo sa mga kaparian ng mga apektadong munisipalidad.

“May mga initial report kami na nakuha na ang Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita including Baggao ay binaha then yung papuntang Ilocos ang Abulog, Aparri ang Sanchez Lira at Claveria ay affected din daw naghihitnay kami ng concrete data mula sa kanila,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinagpapasalamat na lamang ni Fr. Semana na hindi tuluyang umapaw ang Cagayan river bagamat posible pa ring tumaas ito sa oras na bumaba na ang tubig galing sa mga lalawigan ng Nueva Viscaya at Isabela.

Sinabi ni Fr. Semana na ngayong umaga ng Martes, ika-12 ng Oktubre ay bahagya nang bumuti ang panahon sa kabisera ng Cagayan habang patuloy na nararanasan ang pabugso bugsong paghangin.

Aminado ang Pari na posibleng mangailangan ng pagtulong ang mga naapektuhan lugar kaya naman naghahanda na ang kanilang tanggapan para sa posibilidad ng agarang relief response.

“Initially ang Arsobispo natin [Archbishop Ricardo Baccay] ay naglaan na ng pondo para kung sakali mangailangan ng relief operation ay may agad tayong maibibigay sa mga pamilya,” dagdag pa ng Social Action Director ng Tuguegarao Archdiocese.

Kaugnay nito, ipinapasalamat din ni Mo. Camille Marasigan FLDP, Social Action Coordinator sa Diocese of Ilagan sa Isabela na walang naging malaking epekto ang bagyo sa kanilang nasasakupan.

Panalangin naman ang hiling ng Social Action Center ng Diocese of Baguio para sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslide sa ilang lugar dsa Benguet Province.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinatahak ng Bagyong Maring ang direksyon pa-kanluran at tuluyang nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 82,966 total views

 82,966 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 113,189 total views

 113,189 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 139,839 total views

 139,839 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 234,812 total views

 234,812 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 250,395 total views

 250,395 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,506 total views

 89,506 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top