Kahalagahan ng panalangin, ipinaalala ni Cardinal Advincula sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total reads

Ipinaalala ng arsobispo ng Maynila sa mananampalataya ang mahalagang tungkulin ng Mahal na Ina sa kaligtasan ng bawat isa.

Sa homiliya ng Kanyang Kabunyian Cardinal Jose Advincula sa Our Lady of Fatima Parish sa Mandaluyong City nitong October 13, binigyang diin nitong sa tulong ni Maria ay mas nailalapit ang tao sa Diyos.

“Tinutulungan tayo ni Maria na palalimin ang ating ugnayan kay Hesus,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paalala ng Cardinal ang mensahe ng Mahal na Birhen sa huling aparisyon nito sa Fatima noong 1917 ang pananalangin, penitensya at kapayaan kung saan nanatiling napapanahon at dapat na isaalang-alang ng sangkatauhan.

Ayon sa arsobispo nanatiling hamon sa bawat isa ang pananalangin lalo na ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan at paghilom ng buong daigdig na nahaharap sa iba’t ibang hamon sa kasalukuyang panahon tulad ng coronavirus pandemic.

Iginiit ni Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pananalangin ay mas lumalalim ang ugnayan sa Panginoon na kasama ng sangkatauhan sa paglalakbay sa mundo.

“Prayer is not just about asking God what we need; prayer is about deepening our relationship with God; and Mary asks us to pray always so that through prayer we may be closer to her son Jesus,” dagdag pa ng Cardinal.

Tinuran din ng Cardinal na matatamo ang kapayapaan ng daigdig kung pahalagahan ng tao ang buhay pananalangin at pagsasakripisyo sa kapwa tulad ng mga halimbawang ipinakita ni Hesus na tinanggap ang kamatayan sa katubusan ng sanlibutan.

Ang misa na pinangunahan ni Cardinal Advincula ay pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima sa ika – 104 na anibersaryo ng huling pagpapakita kay Lucia, Jacinto at Francisco sa Fatima Portugal.

Samantala, patuloy pa rin ang mga simbahan sa Pilipinas sa ‘healing rosary against COVID-19’ na pinasimulan ng Santo Papa Francisco noong 2020 sa intensyong matapos na ang pandemya na labis ang epekto sa sangkatauhan sa buong daigdig.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,248 total reads

 2,248 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,211 total reads

 4,211 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,278 total reads

 12,278 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,656 total reads

 49,656 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,927 total reads

 80,927 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,692 total reads

 157,692 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,341 total reads

 251,341 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,249 total reads

 2,249 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top