Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maayos na pag-tugon sa force takeover ng Benguet Electric Cooperative,panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 612 total views

Nanawagan ng kahinahunan at pag-tugon si Baguio Bishop Victor Bendico sa biglaang pagpapalit ng pamamahala ng Benguet Electric Cooperative (BENECO).

Ayon sa mga kawani ng BENECO, ikatlo ng madaling araw noong Lunes nang sapilitang pasukin ng militar ang tanggapan kung saan sapilitan ikinandado ang mga entrance at exit points ng BENECO .

“I call for sobriety, calmness, and control of emotions in facing the BENECO issue. Along with others, i also denounce the ‘’forceful take over of the offices’’ of BENECO. I expect respect and civility, and refined manners in addressing concerns that beset us” ayon sa opisyal na pahayag ni Bishop Bendico.

Ikinalungkot rin ng obispo ang suliranin ng mga kawani ng BENECO na nataon din sa kalagayan ng mamamayang naapektuhan ng bagyong Maring.

Panawagan din ni Bishop Bendico ang pananalangin ng bawat isa para sa kinakaharap na suliranin ng kooperatiba.

Nagsimula ang suliranin ng BENECO nang itinalaga ng National Electrification Administration (NEA) si Anna Marie Rafael na dating Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang palitan si Melchor Licoben na kasalukuyang general manager ng kompanya.

Isinasagawa ang kilos protesta ng mga kawani at member-consumer-owners ng kooperitiba upang iparating ang pag-tutol sa sapilitang pagpapalit ng pamamahala ng kompanya.

Giit ng mga ‘consumer’ na mahalagang matiyak ang suplay ng kuryente matapos manalasa ang Bagyong Maring.

Ang BENECO ay itinatag noong october 1973 na pangunahing nagsusuplay ng kuryente sa lalawigan Benguet at ilang karatig lugar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 7,075 total views

 7,075 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,646 total views

 25,646 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 51,142 total views

 51,142 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,943 total views

 61,943 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,780 total views

 1,780 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 1,781 total views

 1,781 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567