Mga sementeryo sa Diocese of Daet at Iligan, sarado sa Undas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total views

Tiniyak ng Diyosesis ng Daet at Diyosesis ng Iligan ang pagtugon at pakikipagtulungan ng Simbahan sa pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa paggunita ng Undas.

Bilang tugon sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa papalapit na Undas ay kapwa inanunsyo ng Diyosesis ng Daet at Diyosesis ng Iligan ang pansamantalang pagsasara sa mga Catholic Cemeteries mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre, 2021.

Nasasaad sa pampublikong anunsyo ng Diocese of Iligan sa Facebook page nito ang panawagan ng Roman Catholic Cemetery Office ng diyosesis sa bawat isa na maaari ng bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay hanggang sa ika-28 ng Oktubre bago ito pansamantalang magsara bilang tugon sa panuntunan ng pamahalaan.

“The Roman Catholic Cemetery Office [of the Diocese of Iligan] would like to inform everyone on the following visiting schedule gate will be open for – October 15 – 28, 2021 then will be close from October 29 – November 4, 2021 and will be open again by November 5-15, 2021.” bahagi ng pampublikong anunsyo ng Diocese of Iligan.

Sa pamamagitan naman ng isang liham sirkular ay binigyang diin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng pananalangin para sa mga yumao at mga banal ng Simbahan sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.

Paliwanag ng Obispo, bagamat pansamantalang magsasara ang mga Catholic Cemeteries sa diyosesis upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus ay maaari namang patuloy na gunitain ng bawat isa ang pag-aalala sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa taimtim na pananalangin.

“We do not forget the essential practice of praying for the dead even if Catholic cemeteries in the Diocese of Daet will be temporary closed from October 29 to November 4, 2021 to avoid large gathering of people while COVID-19 remains a threat.” panawagan ni Bishop Alarcon sa kanyang liham sirkular.

Kapwa naman nanawagan ang Diocese of Daet at Iligan sa mamamayan na magtutungon sa mga sementeryo bago ang nakatakdang pagsasara ng mga nito upang patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na safety health protocol gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields at pagtiyak ng social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Matatandaang noong nakalipas na taong 2020 ay ipinag-utos rin ng IATF ang pagsasara sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 virus dahil sa nakaugalian ng pagsisiksikan at pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo tuwing sasapit ang Undas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,288 total views

 43,288 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,157 total views

 39,157 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,359 total views

 75,359 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,166 total views

 84,166 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 109,811 total views

 109,811 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top